XXXVIII: I Like Miss You

380 15 3
                                    

Zaira's POV


"Rohan? Rohan, gising ka na ba?" sabi ko habang kumakatok sa kwarto nya. I mean nila. Sa kanila nga pala tong boys.

"Baka tulog pa yan, Lu.." bulong ni Althea sa gilid ko, kasi parang hindi pa nga bumabangon si Rohan.


"Ano? Gising na ba si Rohan? Sya nalang ang di pa tumatayo eh." biglang sabi ni Lawrence habang paparating sa 'min.


"Di nga sumasagot sa katok ko eh. Malamang tulog pa." sabi ko.


"Pasukin mo kaya sa loob?" sabi ni Lawrence.

Napalaki yung mata ko sa kanya, tapos sabi ko, "Bakit ako?! Ikaw nalang! Pupunta nalang ako sa labas kasi baka di pa nila naaayos yung--" habang naglalakad na papunta sa labas, kaso hinawakan ni Lawrence yung braso ko tapos sabi n'ya, "Ikaw lang ang makakagising sa kanya."


Natawa ako sa sinabi nya tapos ko, "Ano to, fairytale? Grabe Lawrence, ikaw nalang please?"


"Hay nako, Lu. Pupunta nalang ako kanila Wilson ha? Work this out, keri mo na yan." sabi ni Althea tapos ngumiti bago umalis.

Pinagbuksan ako ni Lawrence ng pinto, saka nya binitawan yung braso ko.


"Pasok na, dali. Baka di na magising yan, sige ka." sabi ni Lawrence habang nakangiti.


"Ano pa nga ba magagawa ko? Hay.. Sige na." sabi ko, then I gave him a nod bago sumilip sa kwarto.



Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto habang nakatingin sa isang demon na nakahiga sa pangalawang kama. Yung sunshine mula sa bintana, sa mukha nya naka-shine. Nasa tabi kasi ng bintana yung kama na hinihigaan nya. Di kaya sya nagigising sa init, or nasisilaw manlang sa liwanag?


Umupo ako sa edge ng kama, tapos nilapit ng onti yung labi ko sa tenga nya.




"Hoy demon, gising na." sabi ko na mejo mahina. I poked on his side a little, and he groaned.


"Mmm?" he groaned with his eyes closed. Hindi sya dumidilat, he just moved his head.


"Wake up!" sabi ko, tapos pinatong ko yung kamay ko sa tummy nya, and started shaking it.


"Hajima.." sabi nya.


"Wae? Aish.. Rohan, ireona! Ppali!" sagot ko sa kanya.


"Zaira, hajima.." sabi nya, yung kilay nya magkadikit na.


"Bangon na, dali. Yung regalo mo di mo pa nabibigay sakin." sabi ko habang inuuga yung tummy nya.


Di na sya sumagot. Ang ginawa nya, umupo sya tapos niyakap ako, tapos humiga ulit. Nanlaki yung mga mata ko sa gulat! Tapos ang higpit pa ng yakap nya, umiinit na yung pisngi ko, tsaka ang bilis na ng heart beat ko...




"Rohan ano baaaaa! Gumising ka na!!" napatingin ako sa mukha nya, di ko narealize na sobrang lapit pala nun.. Naramdaman ko nga ang hininga nya, at infairness ang bango.. Wait! Dapat ko pala gisingin to!



"Mamaya na.." sabi nya, tapos nakita ko syang ngumiti.


"Ngiti-ngiti ka jan.. Tumayo ka na! Nakakangalay kaya tong position ko.." sabi ko, tapos huminga ako ng malalim. Dumilat sya ng isang mata lang, tapos tumingin sakin habang nakangiti.


"Ok sige. Eto na babangon na." sabi nya, tapos binitawan nya nako. Umupo ako ng maayos, tapos sya din umupo. Ang gulo nanaman ng buhok nya...


Be Who's Nanny?!Where stories live. Discover now