Chapter 3

30.2K 634 42
                                    

INFFTP 3

 

Pagdating naming sa school pinagtitinginan kami. Malamang, first time kami nagsabay pumasok sa school. News. Im sure may paguusapan na naman yung mga chismosa na walang magawa sa buhay.

Nauna na ko maglakad, sabay na nga kami pumasok ng school, ayaw ko ng sabay pa kami maglakad at sabay pa kami pumasok ng room. But thanks to his long legs, nahabol niya ko.

“Ayaw mo talaga ko kasabay noh?”

“Buti alam mo.”

Pagpasok naming sa room, pinagtinginan kami ng mga classmates ko. May bonus pa, inasar kami, New loveteam daw. Umupo na ko sa upuan ko, not minding everyone.

“Sam! Explain.”

“Kasi Cass sabi ni Alex, magkausap naman daw kayo kagabi tas napagusapan niyo daw  na sabay kayo papasok. So yun. Alam mo naming grounded pa ko so I cant use my car. So instead of joining you two, hiniram-“ She was interrupted by Alex who’s standing infront of our class.

“Ehem ehem! Hi guys! I just want to announce something. Simula ngayong araw na to, ako, si Alexander Marco, ay nanliligaw na kay Cassandra Bernardo. At kung sino mang kumalaban sakin, maghanda na ng libingan niya. Yun lang.”

“Yieeeeee.” Sigaw ng classmates namin.

“Ca-Lex loveteam na itu.”

“Bagay talaga kayo. Yieeee.”

“May muse at escort na tayo para sa intrams! Go Calex.”

Im mentally killing Alex for what he did! Ano bang kahihiyan to. Di talaga siya titigil noh.

Hinila ko siya palabas ng classroom at dinala ko siya sa rooftop.

“WHAT THE HELL ALEX! Ano yun? Diba sabi ko tigilan mo na ko dahil una wala kang mapapala sakin at pangalawa hindi ako papaloko sayo!”

“Diba sinabi ko rin sayo na hindi ako titigil ng panliligaw.”

“Ligaw your face! Tantanan mo na ko!”

“Nope. Not unless sagutin mo na ko.”

“Not even in your wildest dream.” At iniwanan ko na siya dun.

Nung recess at lunch time sa table namin sila nakiupo. What I mean with sila is, Alex and Ethan. Okay lang sana si Ethan kaso kasama pa si Alex.

“Baby try mo tong Beef steak nila, the best.” Sabi ni Alex sa kalagitnaan ng pagkain.

Muntik ko ng masuka yung kinakain ko. D-mn. Baby?

“Di ako baby!”

I'll Never Fall For The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon