Chapter 12

22.1K 421 5
                                    

INFFTP 12

 

September 03

 

First monthsary namin ni Alex ngayon. Handa na yung regalo ko sakanya. Ano kayang plano niya ngayong monthsary namin? Ehh. Naeexcite ako.

Naligo ako, nagbihis, nagkulot at naglagay din ako ng light make up since special tong araw na to. Masaya akong bumaba ng hagdan. Andito na nga pala sila Mommy at Daddy Albie. Okay naman si Alex kay Daddy Albie. Pero nung una tinakot pa ni Daddy si Alex. Hahaha. Protective eh.

“Good Morning Mom. Dad. Sky.” Bati ko sakanila tapos isa isa ko silang bineso.

“Good Morning Baby.” Bati ko kay Alex. Kasabay namin siya nagbbreakfast madalas.

“Good Morning Baby.” Tapos binigyan niya ko ng smack. Ehh. Kahit araw araw nya to ginagawa, nahihiya parin ako pag kaharap sila Mommy. “Ang saya mo ata ngayon ah? Anong meron?”

Luh. Anong meron daw. Loko to ah. Nakalimutan? Tss.

“Wala.” Tas nagstart na ko kumain. Ayokong masira tong araw na to.

Kakadating lang namin sa school ni Alex. Nasa sasakyan parin kami.

“Baby. Whats with the smile? You’re creeping me out.” Sabi ni Alex sabay acting na parang rarapin ko siya.

“Creeping me out bla bla. Whatever. Hahaha. Baby. Wala kabang naaalala ngayong araw?” Sabi ko. For sure maaalala na niya yan.

“Bakit baby? Birthday mo ba? Di pa naman diba? Pagkakaalala ko, December naman birthday mo. Di ko naman din birthday. Hmm.” Medyo nagiisip pa siya. “Ahm. Wala akong maalala. Sino ba may birthday?”

“Walang may birthday. Psh.” Tas bumaba na ko ng sasakyan.

Nakakaasar naman. Talaga bang nakalimutan niyang monthsary namin.

Alam ko namang bago sakanya to kasi di naman siya umaabot sila umaabot sa 1st monthsary ng mga ex niya. Pero bago din naman to sakin, first boyfriend ko siya. Pero ako nageeffort sa gantong special occassions, nakasulat pa to sa planner ko, nakabilog sa calendar ko, nakaalarm sa cellphone ko tapos siya kinalimutan niya lang. Sino ba namang matutuwa.

“Baby!” Hinabol niya ko. Kinakapos pa siya ng hininga. “Woo! Ha! Baby naman. Anong problema? Ano ba talagang meron ngayon? Bakit nagagalit ka?”

“Forget it!” Tas pumasok na ko ng room. Umupo na ko sa upuan ko. Pinuntahan naman ako agad ni Sam tas niyakap ako.

“Happy 1st Monthsary bessy!” Buti pa siya naalala.

“Shh. Wag ka maingay. Tara sa CR.” Tas hinila ko siya papuntang CR.

I'll Never Fall For The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon