Chapter 17

16.5K 372 38
                                    

INFFTP 17

 

“E-ethan. Pwede bang ilayo mo ko dito. K-kahit saan. Basta malayo. P-please.”

Tinignan ako ni Ethan. “Your wish is my command.”

“Pero, p-pwede bang dumaan muna tayo sa sementeryo?”

Di na siya nagtanong basta pumunta na kami sa sementeryo. Bumaba ako ng sasakyan at naglakad papunta sa puntod ni Daddy. Umupo ako dun at hinawakan ko yung pangalan niya sa lapida. Daniel John Padilla.

 

ETHAN’S POV

 

Binasa ko yung puntod na pinuntahan niya. Daniel John Padilla. Sino kaya siya? Padilla? Pangalan ng school namin yun ah, Padilla University, related kaya yun? Hindi siguro, marami namang may surname na Padilla.

Pinanuod ko lang si Cass na umiyak ng umiyak. Yung iyak na labas lang ng labas yung luha sa mata niya pero walang tunog ng iyak. Sabi nila, mas masakit daw pag ganun yung way ng pagiyak.

Ang gago ni Alex. Alam kong hindi totoo yung picture. Ilang buwan ko din nakasama si Cass at alam kong mahal na mahal niya si Alex. Tingin ko, si Ysa nga ang may gawa nun. Kung pano, yun ang aalamin ko, pero hindi pa ngayon. Si Cass ang uunahin ko ngayon.

Matagal ko ng mahal si Cass, first year High School palang. Kaya nga wala akong dinate kahit isang babae. Kasi siya talaga ang mahal ko. Kaso hindi ganun kadali yun. Torpe na kung torpe pero ganun eh. Natatameme ako sa harap niya hanggang sa nalaman ko nalang nililigawan siya ni Alex. Naggive way ako kay Alex kasi sabi niya seryoso siya kay Cass. Nakita ko naman yun.

Pero hindi tamang hindi niya pinaniwalaan si Cass. Na mas kinampihan pa niya si Ysa. Na sinaktan niya si Cass physically at emotionally.

Mahal ko si Cass pero di ibig sabihin nun na magtatake advantage na ko kasi broken hearted siya. Kaibigan ang kailangan niya ngayon. Kaya kaibigan muna ko ngayon.

Maya maya pa nagsalita na siya.

                                                                                                                                                                   

“D-dad.” Dad?! Daddy niya? “Ang sakit sakit pala. Ang sakit sakit Dad. Sobra.”

Gustong gusto ko siyang yakapin. Nasasaktan ako para sakanya. Pero alam kong kailangan niya ng panahong magisa.

“Bakit ganun Dad. B-bakit di niya ko pinaniwalaan? Di naman ako m-malandi eh. Minahal ko siya at tanging siya lang. Pero b-bakit ganto. Ang sakit sakit na po.”

Lumingon siya sakin at patakbong yumakap sakin. Niyakap ko din siya.

“E-ethan. Ang sakit sakit na.”

“Shh. Andito lang ako. Kahit anong mangyari nasa tabi mo lang ako.”

I'll Never Fall For The PlayboyWhere stories live. Discover now