Chapter 25

16.7K 391 34
                                    

INFFTP 25

 

ALEX’S POV

 

Graduate na kami. Ang bilis. Parang kailan lang kakaumpisa palang ng Senior Year namin. Parang kailan lang kami pa ni Cass. Parang kailan lang ako yung hinahalikan niya, niyayakap, hinoholding hands, dinadate. Parang kailan lang nung niloko niya ko. Ngayon, masaya na siya sa bestfriend ko.

I dont hold any grudges on Ethan. Masakit lang na mas kinampihan niya si Cass kaysa sakin na bestfriend niya. Pero yung minahal niya si Cass? Di ko siya masisisi. Di mahirap mahalin si Cass.

Andito ko sa bar. Dito ko dumeretso after ng Grad dinner naming family.

Lately, kahit gano ko isiksik sa utak kong niloko lang ako ni Cass at dapat magalit ako sakanya. Di ko parin mapigilan masaktan. Tuwing makikita ko kung gano sila kasweet ni Ethan. Tuwing maghahawak sila ng kamay. Tuwing magtatawanan sila. Magtititigan. Magyayakap. Maghahalikan. Sapul eh.

Hindi naman sa mahal ko pa siya. Sa tingin ko. Baka man’s ego lang, kasi siya masaya na, ako hindi pa. At sa lahat ng lalaki, sa bestfriend ko pa.

Nakakatawa nga eh, kasi nakita ko kung pano sagutin ni Cass si Ethan sa rooftop noon. Sinundan ko kasi siya nun, gabi na kasi at baka mapano pa siya. Kaso yun nga, iba ang nakita ko. Ewan ko sa baliw kong mata, biglang umiyak nung um-oo si Cass.

I was drinking alone here at the VIP room. Ayoko muna ng magulo at maraming babae, gusto ko lang mapagisa. Bukas Grad Ball namin, for sure date ni Cass si Ethan. Kaya hindi nalang ako pupunta. Para san pa diba?

 

Maya maya biglang pumasok si Ethan.

Anong ginagawa niya dito?

 

“Bro.” Tawag niya sakin.

“Bro.” Balik kong tawag.

Kahit naman siya na yung bagong boyfriend ni Cass, di ibig sabihin nun na nasira na kami. Bestfriend parin ang turing ko sakanya.

“Pwede ba kitang makausap?” Tanong niya.

“Oo sure. Tara inom tayo.” Yaya ko sakanya. Tumabi naman siya sakin at kumuha ng beer.

Nagumpisa na siya uminom. Maya maya nagulat ako sa tanong niya.

“Mahal mo pa ba si Cass?”

“Ano bang klaseng tanong yan Ethan.” Bakit ba niya tinatanong yun? As if naman may magbabago pa kung mahal ko pa nga siya.

“Sagutin mo nalang dude.”

“Hindi na.” Lie.

 

“Paano kung malaman mong di ka pala talaga niya niloko?”

“Ano ba dude. Nakakaloko yung mga tanong mo. Nakakaisang bote ka palang ha, lasing ka na ba?” Nakakagago yung tanong.

“Sagutin mo nalang kasi. Paano nga kunwari di ka niya niloko?”

“Niloko niya ko. Tapos na tayo dun sa period na yun dre. Ano pa bang gusto mo?” Naiinis na kasi ako. Niloko niya nga ako. Ano bang ipinaglalaban neto ni Ethan?

“Kunwari nga diba. Ano ba yan paulit ulit. Bakit ba di mo masagot?”

Bakit nga ba? Kasi di ko alam yung gagawin ko pag nalaman kong di pala talaga niya ko niloko. Baka magpakamatay ako pag nangyari yun. Sinayang ko yung ilang buwan namin tapos di pala niya ko niloko.

 

“Di ko alam.” Yan lang nasabi ko.

“Mahal mo pa siya.” It wasnt a question.

“Ano bang ipinaglalaban mo dude? Kayo na diba. Bakit ganyan yung mga tanong mo?”

Di niya ko sinagot, uminom lang siya ng beer niya. Maya maya bigla siyang may inabot sakin. CD?

 

“Panuorin mo yan paguwi mo. Jan mo malalaman ang katotohanan.”

“Katotohanan?” Anong katotohanan ang sinasabi neto?

“Kung anong nangyari nung gabing yun.” Uminom ulit siya. Maya maya tumayo na siya. Bago siya lumabas ng pinto, nagulat ako sa sinabi niya.

“Ipinapaubaya ko na si Cass sayo. Bukas habang nagsasayaw kami sa ball, sesenyasan kita. Lumapit ka, ibibigay ko na siya sayo. Alam kong mahal ka pa niya at alam kong mahal mo parin siya. Alagaan mo si Cass. Mahal ko yun.”

“Ano bang sinasabi mo? Anong ipinapaubaya? Bakit? Tsaka bakit ko naman siya babalikan?”

“Panuorin mo yan, para malaman mo kung bakit dapat mo siyang balikan. At yung pagpapaubaya ko, malalaman mo rin sa tamang panahon kung bakit.”

“Mahal ka ni Cass.” Sabi ko sakanya. Totoo naman, nakikita ko sa mga mata ni Cass na mahal niya si Ethan.

“Alam ko. Pero kailangan ko siyang pakawalan, para maging mas masaya siya. Lahat gagawin ko sumaya lang siya.”

Tapos umalis na siya. I was left there dumbfounded.

Pinapaubaya niya si Cass sakin? At ano ang laman ng CD na to na sinasabi niyang pag napanuod ko to, babalikan ko si Cass.

I'll Never Fall For The PlayboyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt