Chapter 4

28.5K 585 31
                                    

INFFTP 4

 

It’s the third Sunday of the month, meaning shopping day for me and Sam. Every third Sunday of the month, we’ll have our shopping day. We’ll shop ‘til we drop. We’ve been doing this for four years now.

Pagdating namin sa SM Aura, pumasok agad kami sa Forever 21. Bumili ako ng 5 dress, 3 shorts at 6 na top. Tapos pumasok naman kami sa Uniqlo, tapos sa Topshop. 3PM na at di pa kami naglulunch. Madami na kaming napamili, punong puno na nga yung kamay namin sa paper bags na hawak namin.

We’ve decided put the paper bags in the car and go for a stroll in Boni High. Dun nalang kami kakain, mas maraming choices dun kesa dito sa Aura.

Kumain lang kami sa TGIFridays tapos nagcoffee kami sa Starbucks sa may Powerbooks. I love it here kasi Im a bookworm. Eto ang pinagkaiba namin ni Sam, Sam’s not into books, mas gusto niya movies and series. While me, Im into books. They’re like my escape to reality.

Naiinis na nga minsan sakin si Sam, kasi pag kakausapin niya ko di ko siya papansinin, well not intentionally. Kasi pag nagbabasa na ko, I feel like Im inside the book. Im in a different world. Nawawala na ko sa Earth hahahaha.

Nasa Starbucks kami, nagbabasa ko ng bagong biling libro ko yung A and D habang si Sam nagttwitter lang. Naiiyak na ko sa binabasa ko, dun na sa part nung sinasabi ni Dakota na piliin nalang ni Aaron yung girlfriend niya. Ang iyakin ko talaga pag tungkol sa guy bestfriends yung story, namimiss ko na kasi yung bestfriend ko. But enough about that, ayun na nagbabasa ko, biglang may umagaw nung libro ko.

“Ano ba!” Medyo tumaas na yung boses ko pero di masyado kasi ayokong gumawa ng eksena dito sa Starbucks.

“Kanina pa kasi kita tinatawag, di mo ko pinapansin.”

“Baka nagbabasa ako diba?! Baka lang! Akin na nga yan Alex! Ano bang ginagawa mo dito?”

"Baka naglalaba? Nasa coffeeshop tayo diba?” I rolled my eyes at him. Psh. Ayoko sa lahat iniistorbo ko habang nagbabasa eh.

“Sam. Tara na nga. Nawala na ko sa mood, uwi na tayo.” Tas nauna na kong magligpit ng gamit at lumabas ng shop.

“Cass wait!” Rinig kong sabi ni Alex. “Sorry.”

“Sam! Tara na.”

Paguwi namin, dumeretso na ko sa kwarto ko agad at nagpatugtog ng nakakarelax na kanta at kumuha ko ng chocolates sa mini-ref sa tabi ng kama ko. Ganto ko pag badtrip. Kailangan ko ng magpapakalma sakin.

ALEXANDER’S

Nabadtrip ata talaga sakin si Cass. Kanina nung tinry ko siya tawagan, pinatay niya yung tawag ko tapos pagtawag ko ulit patay na phone niya. Di naman siya online sa twitter at fb. Tapos nagtry ako pumunta sakanila, sabi nung katulong nila ayaw daw ako makita ni Cass.

I'll Never Fall For The PlayboyWhere stories live. Discover now