Chapter 19

17.1K 390 18
                                    

INFFTP 19

ALEX’S POV

One week. One week siyang di pumasok tapos pagbalik niya, ang laki na ng pinagbago niya.

After that kiss with Ethan, marami pang nangyaring nakakagulat.

She’s...different. She...changed.

Alam na naming lahat na sakanya pala tong school na pinapasukan namin. Padilla pala talaga ang surname niya. Although di naman talaga nakapagpakasal sila Tita Kath at yung dad niya dahil namatay nga yung dad niya, pinapalitan parin ng Padilla yung surname niya dahil tatay niya naman daw talaga yun at may karapatan siyang gamitin yung apilyidong yun.

But enough of that, 1 week na simula nung bumalik sila ni Ethan. 1 week. Kinakatakutan na siya ng lahat. Walang nagtatangkang kumalaban sakanya. One time, may kumalaban sakanya nun sa caf, kaya ayun pinahiya niya yung babae sa harap ng maraming studyante.

FLASHBACK

3 days na nandito si Cassandra. Ayaw na niyang may tumatawag sakanyang Cass, inannounce niya yun pagbalik palang niya. Si Sam, Sky at Ethan lang ang may karapatan tumawag sakanya ng Cass, yun ang sabi niya. Miss Cassandra yan ang tawag sakanya ng lahat, mapa-studyante at teacher.

Nakapila kami sa bilihan ng pagkain, kasama ko si Ysa at yung cheerleading friends niya ng biglang pumasok si Cass, kasama si Matt kateam ko sa basketball at sila Ethan. Nakikipaglandian siya dun kay Matt. Ganyan siya simula pagbalik niya, bukod sa nagbago ang pananamit niya, pati ang ugali niya, madalas makikita mo siya nakikipagmakeout sa kung sino sino. Kahapon nga lang nakita ko siya sa may locker room namin nung recess at nung lunch may iba na naman siyang kamakeout sa table nila.

Di ko alam ang mararamdaman ko tuwing makikita ko siyang may kamakeout na iba. Galit ba o selos. But I bet galit lang yun, dahil ang kapal ng mukha niya makipaglampungan sa kung sino sino eh kakabreak lang namin.

Turn na sana namin sa pila ng biglang sumingit sa harap si Cass. Nung nakita siya nung cashier, nanlaki ang mata nito at tila natakot.

“W-what’s your order M-mam Cassandra?” Utal na sabi nung cashier.

“Spag and iced tea. Ikaw baby ano sayo?” Tanong niya kay Matt.

Baby my ass.

“Grilled squid with rice and iced tea.” Sabi ni Matt dun sa cashier.

“Ahm, Miss Cassandra, carbo lang po kasi yung niluto ngayon, wala pong spag.” Sabi nung cashier. Pero nagulat ako sa susunod na sinabi ni Cass.

“I dont eat Carbo. Di ko na problema kung carbo ang niluto at hindi spag. Spag ang gusto ko kaya spag ang ibigay niyo.”

Di daw siya kumakain ng carbo? Favorite niya kaya yung luto ko.

“Excuse me, nauna kami sa pila dito.” Lakas loob na sabi ng isang friend ni Ysa. Ngayon lang siya pumasok since Monday dahil nagkasakit daw. Mukhang di pa siya nabrief kung sino ang kinakausap niya ngayon.

Tinaasan siya ng kilay ni Cass.

“Miss-whoever-you-are, I dont care kung nauna ka sa pila. Pag gusto kong bumili, bibili ako.”

Ibang iba ka na talaga Cass.

“Ang kapal naman ng mukha mo, sino ka ba sa akala mo?”

I'll Never Fall For The PlayboyWhere stories live. Discover now