Chapter 28

17.4K 415 26
                                    

INFFTP 28

 

ALEX’S POV

 

Umaga na pala. Umaga na at wala pa kong tulog. Sabagay pano nga naman ako makakatulog sa mga nangyari kagabi.

I hate seeing Cass cry. Its like, ako yung nasasaktan para sakanya. Ganun ata pag mahal mo yung isang tao eh, pag nasasaktan siya, doble yung sakit sayo.

 

I hugged her. Right then and there, I was hugging her tight. God! I missed this feeling. I missed having her in my arms. Paano ko nagawang saktan tong babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin ako? Damn. Ang tanga mo kasi Alex!

 

“Cass. Alam ko na lahat. Alam ko na yung tungkol sa CCTV footage. Alam ko ng sinet up ka lang ni Ysa. Alam ko ng di mo talaga ko niloko. Alam ko na lahat Cass. Sorry. Sorry kasi di kita pinaniwalaan nun. Nadala lang ako ng galit ko kasi akala ko niloloko mo ko. Im so sorry for hurting you. Im so sorry Cass.”

 

“P-pano mo nalaman?”

 

“Si Ethan.”

 

Ng mabanggit ko si Ethan. Mas umiyak pa siya. Ano ba kasing dahilan ni Ethan kung bakit niya biglang ipapaubaya si Cass sakin?

 

“Shh. Andito lang ako.”

 

“B-bakit ganun Alex? Lahat nalang ba ng mamahalin ko, nawawala sakin? Am I not worth loving?” Sabi niya.

 

F-ck Cass. You’re worth of everything.

 

“You are worth everything Cass. Tanga lang ako for letting you go. At kung ano man yung rason ni Ethan, alam kong ginagawa niya to para sayo. Cass, I still love you. I never stopped loving you. Please give me another chance. I want you back Baby please.”

 

“M-mahal parin kita Alex.” Sabi niya at hinalikan niya ko.

 

Damn I miss this girl.

 

Maya-maya humiwalay na siya, tinignan niya ko sa mata at sabay sinabing...

 

 

“B-but... Im sorry. Im sorry Alex.”

 

“Ah Sir Alex. May nagpapabigay po.” Inabot sakin ni Manang yung isang sulat.

To: Alex

 

Sulat kamay palang alam ko na kung kanino galing to.

Binuksan ko yung sulat at binasa.

Dearest Alex,

Im so sorry. I still love you. I know I still do. Kahit siguro pagbali-baliktarin yung mundo, alam kong mahal parin kita. I won’t lie to you anymore. Mahal kita pero mahal ko rin si Ethan. The day I said yes to him, yun yung araw na nasigurado ko yung nararamdaman ko para sakanya. Di ko masasabing mas mahal ko na si Ethan kaysa sayo. Dahil ako mismo, di ko alam kung sinong mas mahal ko.

Alex, mahal kita pero mas kailangan ako ni Ethan ngayon. Nung sinabi niya sakin na lilipad siya papuntang States dahil may cancer siya. Di ako nagdalawang isip basta ang alam ko gusto kong sumama. Sabi niya, piliin kita. Sabi niya, mas maaalagaan mo daw ako. Sabi niya, bumalik nalang daw ako sayo. Pero hindi ko kayang iwan si Ethan. Hindi sa gantong sitwasyon. Mahal ko siya at alam kong kailangan niya ko. Kahit di niya sabihin, alam kong masakit sakanya ang pagsabi niya saking bumalik ako sayo. Sasama ko kay Ethan sa States. Lalabanan namin yung sakit niya. Hindi niya ko iniwan nung panahong kailangan ko ng kasama. And I know I should do the same.

Alam kong nagkasakitan tayong dalawa. But I want you to know that I never stopped loving you. Napuno ng galit yung puso ko nung di mo ko pinaniwalaan. Sa sobrang galit ko sayo, niloko ko yung sarili ko. Pilit kong sinasabi sa sarili kong di na kita mahal but the truth is, mahal parin kita.

Ang labo ko ba? Paulit ulit kong sinasabing mahal kita pero aalis naman ako. Ewan ko. Gusto ko lang siguro malaman mo na mahal parin kita. Hindi para paasahin ka kundi gusto ko lang sabihin sayo dahil baka wala na kong chance sabihin pa sayo to in the future. Kung makakakilala ka ng babaeng mamahalin mo, wag mong pigilan yung sarili mo. Learn to love again Alex.

Sorry.

Thank you.

I love you.

Goodbye.

-Cass

PS: Pero kung in the future, magkita tayo. At pareho parin tayo ng nararamdaman. I promise, I’ll marry you in a heartbeat.

Bakla na kung bakla pero walang tigil yung luha ko nung binabasa ko yung sulat.

May cancer pala si Ethan, kaya niya pala pinaubaya si Cass sakin. Si Ethan, he’s really selfless. Sa sobrang pagmamahal niya kay Cass, dibale ng masaktan siya, wag lang si Cass.

Eh ako? Nasakin na si Cass. Sinaktan ko pa.

Di ko masisisi si Cass kung sasama siya kay Ethan. I see her point. Pero di ko maiwasang masaktan, I love her way too much. But I guess Im too late.

Cass, sana nga someday magkita tayo. At sana pag nangyari yun, mahal mo parin ako. Dahil ako, sigurado akong wala na kong ibang mamahalin pa bukod sayo.

*********


Violent reactions? Hahaha! Tiwala lang guys. <3

I'll Never Fall For The PlayboyWhere stories live. Discover now