Chapter 16

17.6K 377 27
                                    

INFFTP 16

 

Sinundo ako ni Alex. Back to school na naman kami. Nakakainis dahil may hangover pa ko. Naginuman kasi kami ni Ysa pagbalik ko from Subic. Pinuntahan niya ko sa bahay, may problema daw siya at kailangan niya daw uminom. Naawa naman ako kaya sinamahan ko na kaso napadami ata inom ko kaya nagpassout ako.

Pag pasok namin sa school, magkaholding hands kami. Pinagtitinginan na naman kami kaso parang ang sama ng tingin sakin ng mga babae. Bago yun, kasi okay naman sila tumingin dati.

Pagdating namin sa school grounds, napabitaw sakin si Alex. Napatingin ako sa pinagtitinginan ng mga estudyante at ni Alex.

Picture ko. Kagabi. Sa kama ko. At may lalaki.

Kung titignan yung picture para kaming nagmamakeout. Pero imposible yun, ni hindi ko man lang kilala yung nasa picture ng personal. Alam ko schoolmate ko siya, pero di kami magkakilala. At si Ysa lang ang kasama ko kagabi.

Ysa.

 

Siya kaya ang may gawa neto?

 

Pero magkaibigan kami.

 

Nanginginig na lumingon ako kay Alex. Iba yung expression ng mukha niya, never ko pa siyang nakitang ganun tumingin. Parang papatay. Galit na galit siya.

“B-baby. Let me explain. Di k-“ he cut me off

“Baby?” Di makapaniwalang tanong niya. “Nagagawa mo pa kong tawaging baby? Hahaha.” He laughed bitterly.

“B-baby p-please. Wala akong alam jan.” Iyak na ko ng iyak. Feeling ko anytime mawawala sakin si Alex. Di ko kaya yun.

Nakita ko sila Ysa, Sam, Sky at Ethan lumapit samin ni Alex. “Si Ysa. Siya yung kasama kong uminom kagabi. Diba tinext pa nga kita? Si Ysa yung kasama ko. Di ko alam pano nagkaron ng ganyang pictures.”

“Ha? Ako? Uy Cass wag mo ko idamay jan. Nasa bahay ako kahapon ng cheerleading friends ko.” Maang-maangan na sabi ni Ysa. Bullshit.

 

“Fuck. Magsabi ka ng totoo Ysa! Pinlano mo ba to? Pinlano mo lahat ng to para magaway kami ni Alex. Bitch!” Sasampalin ko sana si Ysa ng pigilan ni Alex yung kamay ko.

Pinigilan niya ko. Kinampihan niya si Ysa. Ang sakit.

 

“Minahal kita Cass. Sobra sobra. Nagbago ko para sayo tapos lolokohin mo ko? Ilan kami ha? Ilan kaming ka-makeout mo. Alam mo, di ko naisip na ganyan ka. Lahat binigay ko sayo pero nagawa mo pang lumandi.”

Sinampal ko siya. “Lumandi?! Lumandi agad? Kahit kailan di ako nagkaron ng iba. Kahit kailan Alex di ako lumandi ng iba. Ni hindi ko nga kilala ng personal yang lalaking yan eh! Mahal na mahal kita alex. Ikaw lang. Ikaw lang Baby please.” Sinubukan ko siyang yakapin pero tinulak niya ko kaya napaupo ako sa sahig.

“Malandi ka. Break na tayo. Game over Cassandra.”

Sinuntok siya bigla ni Ethan. “Gago ka dude!”

Lumapit si Ethan sakin at niyakap ako. Iyak nalang ako ng iyak. Ang sakit sakit. Eto na pala yun, ang first ever heartbreak ko. Ganto pala yung feeling. Para kang sinasaksak ng paulit-ulit.

“Ako pa ang gago? Tss. Magsama kayo ng malanding yan.” Tinalikuran niya na ko. Pero kasi diba tanga ako at mahal ko siya, niyakap ko yung tuhod niya. Nakaluhod ako.

“Alex please. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Wag mo naman gawin to sakin. Di ko kakayanin.”

“Let me go.” Cold na sabi niya. Inalis niya yung pagkakakapit ko sakanya at tinalikuran na naman ako.

Just like that. He let me go.

Di man lang niya ko pinaniwalaan. Ganun-ganun lang natapos lahat. Ganun lang.

 

Binuhat ako ni Ethan at ipinasok sa kotse niya. Iyak ako ng iyak. Tangina. Pwede bang mamatay nalang ako. Ayoko na. Ang sakit sakit na.

 

“Iuuwi na kita.” Sabi ni Ethan sakin. Im thankful na nandun siya, di ko alam ang gagawin ko kung walang Ethan sa tabi ko kanina.

“E-ethan. Pwede bang ilayo mo ko dito. K-kahit saan. Basta malayo. P-please.”

I'll Never Fall For The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon