Chapter 1

10 0 0
                                    

1 month later...

:Catch

Shaina

Balik eskwela na naman. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Hindi ko pa nasasabi kay tita na may boyfriend na ako. Siguradong magagalit 'yon kapag nalaman nya. Naguguluhan kasi ako eh kung sasabihin ko ba o hindi. Natatakot ako baka mapalayas ako.

Papasok na ako sa school. Biglang nagbeep ang phone ko.

From: Kapre

Hey darling, I'm on my way. Wait for me. I love you. :*

Pak, kinilig naman nanay mo! He's on his way na daw. HAHAHAHAHA. Magrereply na sana ako nang bigla itong masadsad sa lupa kasabay ang bolang tumilapon dahilan kung bakit nabasag ito.

Tumingin ako sa basketball court. Oo nga pala, dito nagtatambay ang mga lalake. Alam kong sinadya nila dahil nagtatawanan pa silang tinitignan ako. Hindi ko namalayang nandito na pala ako sa open court.

Kukunin ko na sana ang cellphone pero may humablot sa bag ko. 'Eto na naman tayo. Humanda sila kapag nandito na si Kapre at mababasag talaga ang mga bungo nila!

Nag-aapoy na ngayon sa usok ang ilong ko. Tinataas nila ito para hindi ko maabot. Ayan na naman sila! Nung tumigil na si Dwayne sa pagbully sa'kin sila nman ang pumalit! Mas marami nga lang sila. Mga nasa walo sila.

Pilit kong inaabot ang bag ko pero walang silbe. Ang tatangkad nila at tanging pagtaas ko lamang ng mga kamay ang pilit kong kinakarir. Tawanan lang ang inabot ko sa kanila.

"Akin na!" Sigaw ko.

"Uy sa kanya na daw 'yan p're!" Tawa nung isa habang tinignan ako ng pinakasarkastikong tingin. Sinamaan ko sila ng tingin.

Nung bahagya nilang ibinaba ay inabot ko pero wala paring epekto at itinaas nyang muli para hindi ko maabot. "Akin na sabi!"

"Anong nangyayari dito?" Tumigil silang lahat at nabalot ng katahimikan ng buong paligid nang maglakad sa gitna ang isang papalapit na lalake. Teka, naalala ko sya. Sya yung huling dumating sa party ni Dwayne. Leiji...

"Boss, nerd." Nagpipigil naman sila ng tawa. Tutulungan nya ba ako? Sana nga dahil dehado na ako eh. Malabao man dahil sya ang boss pero seryoso ang mukha nyang nakatingin sa akin.

Natulala ako nang bumuhos ang tawa nya at sumabay ang iba pang lalake sa pagtawa. Kahit hindi nila alam ang dahilan kung anong rason sa pagkahalagpak nya sa harapan ko. Napapatabon pa nga ito sa bibig nya habang tumatawa at kunwaring nag-aalis ng mga luha.

Nababaliw sya.

"Pagpatuloy nyo. Manonood ako." Hala?! Wala ba syang—arrggghhhh! Ano pa bang inaasahan ko?!

Tumalikod sya at naglakad papalayo. Sa 'di kalayuan ay umupo sya at nakatingin lang sa akin na bahagyang ngumingisi.

Muling itinaas ng lalake may hawak ang bag ko. Ngayon, nasa gutna akong ng bilog. Nakapaligid sila sa akin. "Gusto mong makuha? Abutin mo." Sinamaan ko sya ng tingin. Mokong ito!

"Akin na nga sabi eh—"

Bago ko pa ipagpatuloy ang protesta ay may humawak na sa braso ng lalajeng kumuha ng bag ko. Unti unti nya itong ibinaba kasabay ng pagtahimik nilang lahat. Pagkaabot sa bandang baba ay kinuha nito ang bag ko. Halatang nanginginig sila sa takot, sa paglagok pa lang nila ng laway at paggalaw ng mga paa na gusto ng tumakbo.

The Warner's FightWhere stories live. Discover now