Chapter 16

2 0 0
                                    

:Proposal

Shaina

"Come in."

Yung boses nya, parang umaalingawngaw sa tenga ko. Bakit ganito? Bakit parang nakaramdam ako ng takot, galit, muhi at... pangungulila?

Hindi ko tuluyang maapakan ang susunod na yapak. Pumikit ako ng mariin. Hindi ito ang pinaghandaan ko. Paano na lang kung matitigan ko ulit ang mga mata nya?

Nakahawak parin ako sa siradora ng mahigpit.

Para ito sa MS. Para ito sa kanila at sa dream projects namin. Kailangan ko lang itong harapin.

Bumuntong hininga ako at tuluyan nang pumasok. Hindi ako makatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Nanatili ang tingin ko sa sahig. Hindi maipagkakaila na kinakabahan ako.

"Do I have an appointment to you, Ms. Montiel?" Parang kidlat ang boses nya sa tenga ko. Nagbago ang boses nya. Mas lumaki ito at nagmature. Ano na kaya ang mukha nya?

Kinalas ko ang isang strap ng bag at kinuha ang mga papel na binigay sa akin ng lalake kanina. Dahan dahan akong lumapit at nilapag ang mga ito sa harapan nya.

Nakita ko syang tumikhim at napatingin sa akin pero hindi ko parin makita ng buo ang mga mata nya. Kinuha nya ang mga papel at binasa.

Peste ba sya? Sya mismo ang gumawa nyan tapos babasahin pa nya?

Nilapag nya ang mga ito pabalik sa mesa at nanatili ang tingin sa mga ito. "I see... Bakit ka lumapit sa'kin?"

Peste ka talaga. Buwiset, abnormal, mayabang, malisyoso, maggagantsong kapre!

"Ikaw ang gumawa nyan. Sino pa ba ang lalapitan ko?" Hindi maitago ang panginginig sa boses ko.

Mas lalo pa akong kinabahan nang tumayo sya at inayos ang kwelyo nya sa dibdib. Umikot sya sa mesa at lumapit sa'kin.

Kaawaan nyo po ako mga langit.

"Pumunta ka ba rito... Dahil dyan?" Oo nga baliw ka! Tanga lang?

"Oo." Nagtama ang mga mata namin. Ngayon hindi ko na maalis ang mga mata ko dahil parang nakatali na ito sa kanya.

Hindi sya nakangiti, hindi rin sya nakasimangot. Bato ang ekspresyon nya. Napakalapit namin, eksakto lang ng tatlong hakbang.

"Nandito ako para sabihin sa'yong mababayaran ko 'yan, basta ipangako mong hindi mo sisirain ang MS."

Sa halip na magsalita ay tumawa sya ng walang biro. Nanggigigil na ako. Seryosong seryoso na ako dito at matatanggap ko lang ay tawa?

"Well, bakit ba kasi padalos dalos ang mga staffs ng Montiel, Shaina Advertising?" Kinuha nya ang mga papel sa mesa. Napasadahan ko pa ito na kunwaring binabasa nya ulit.

"Gusto lang naman nyang makatulong dahil nawawalan na kami ng budget." Paliwanag ko.

"There's no difference. Padalos dalos kayo." Tinignan ko sya na nawala na ang tawa.

"Sabi dyan sa papel, six months after the due date. Makakaya ko iyon." Matapang kong sabi. Paano? Maglalako ako ng tuyo? 'Wag naman sana.

"Ang tapang mo rin," seryoso nyang sabi. "Paano mo mababayaran ang ganyan kalaking salapi? Tingin mo makakaya mo? Anong gagawin mo? Magbe-bake ng cake?" Sarkastiko nyang sabi.

Ngayon pakiramdam ko para na akong bulkang sasabog anytime. Napakapilosopo nya. Nagbago na talaga sya. O, ganyan na sya noon pa man.

"Masyado mang malaki ay kakayanin ko. Gagawa ako ng paraan para hindi mawala ang MS."

The Warner's FightWhere stories live. Discover now