Chapter 15

6 0 0
                                    

:Nagbago

Shaina

"Uy si boss!" Bati nila Alexa at sa'kin nang naka-abot na ako.

"Good morning, boss." Bati ni Clyde sa desk nya.

"Good morning! Kamusta ang project natin?" Masigla kong tanong sabay upo sa desk ko.

"Okay naman. On going parin boss. Sigyro final na ang decision nila na sa atin mapunta ang project na iyan." Sabi ni Alexa.

"Sayang naman kung tatanggihan natin, hindi ba? Kaso boss... Yung budget natin..." Si Clyde. Ngumiti lang ako.

"Kahit na kulang tayo sa budget, basta may naglahad ng project, bawal nang tanggihan dahil isa na 'yong opportunity." Sambit ko.

"Oo nga!" Si Clyde na nagkibit balikat.

Napansin kong matamlay si Greg. Hindi man lang ako binati. Ngumiti ako at hinuli ang mga mata nya. Agad naman syang umiwas.

"Huy Greg, may problema ba?" Tanong ko. Lahat ng atensyon nila napunta kay Greg.

"Oo nga boss, kanina pa 'yan sya. 'Di nagsasalita." Si Alexa na ngayon ay nakaupo na sa itaas ng mesa nya.

Inayos ni Greg ang salamin nya sa mata. Umiiwas ng tingin. Mukhang pinagpapawisan at hindi mapakali.

"Huy Greg! Anong nakain mo?" Tanong ni Clyde.

"W-wala." Nauutal nyang sagot.

Nagsibalikan na lamang kami sa trabaho. Apat na taon na rin ang nakalipas at mag-isa kong itinayo at itinaguyod ang kompanya nila mama at papa. Hindi ko akalaing kahit na maliit na kompanya lang ang nabuo, matataas naman ang pangarap.

Matagal ko na ring kinalimutan ang mga nangyari noon. Isa na lamang iyong parte ng nakaraan. Tapos na at wala na tayong magagawa pa. Tsaka wala na akong nararamdaman sa kanya. Kahit na nangulila ako ng sobra sobra noon, ngayon pagod na ako at namulat sa katotohanan. Gano'n nga siguro, kalokohan lang ang lahat. Isa lang ang nalaman ko, hindi ko na sya mahal.

Siguro mga bata pa kami no'n. Pero sa totoo lang, minahal ko talaga sya. Grabe ang epekto nya sa'kin. Pero sa sinabi ko nga, nakaraan na lang iyon at wala na tayong magagawa. Galit ang nasa puso ko ngunit wala sya dito kaya wala ring patutunguhan kung pagbibigyan ko pa sya ng pansin.

Nagfocus na ako sa laptop ko. Teka, ano nga bang i-ta-type ko? Wala namang nakaschedule.

"Boss, ito yung letter ng food products. Nagthe-thank you sila." Si Clyde atsaka nilahad sa akin ang papel.

"Thank you." Sabi ko, tumango lamang sya. Binasa ko ang mga papers.

Isa ito sa mga nagawan namin na project. Halos binuhos namin lahat ng pera namin kasi ito yung pinapangarap naming project.

Lahat ng hinanakit ko binuhos ko sa kompanya. Kahit na maliit, basta may creativity at passion.

Binaba ko ang papers at sumimsim sa kape ko.

"Hayyy! Nakakapagod ang food advertising, boss, ano?" Tanong ni Alexa.

Tumingin ako sa kanya at tumango lang.

"Excuse me, sino si Shaina Montiel dito?" May pumasok na lalakeng nakasuit at may dala dalang papers.

"Ako po. Ano pong sadya nila?" Tanong ko.

"Sumama ka na muna sa labas." Napatingin ako sa kanila at tumayo. Sumunod ako sa lalake at gano'n rin sila sa likod ko.

Nang makalabas ay hinarap nya ako. Binigay nya sa akin ang mga papel at agad ko iyong tinignan. Halos lumuwa ang mga mata ko sa nabasa.

The Warner's FightWhere stories live. Discover now