Chapter 2

6 0 0
                                    

:Call

Shaina

Kasalukuyan parin kaming nasa park. Parang perya na nga ito dahil ang raming palaruan at shows. Dahil fiesta dito, ganito ang tradisyon ng villa dito sa San Matteo.

Medyo magabi gabi na rin. Kanina pa kasi kami dito eh.

Ang saya pala kapag jasama mo yung mahal mo, yung kayo lang na dalawa? First boyfriend ko sya, ganito pala ang pakiramdam ng una. Sya? Baka ika-singkwentai otso.

Kamusta na kaya si Dean at si Adrianna? Tsaka si Bryce din. Hindi ko na sila nakita sunula nung... Alam nyo na.

Tumingin ako sa isang stall ng palaruan. Napahinto ako nang may nakita akong isang malaking teddy bear. Si Ice Bear yun sa We Bare Bears.

Hihilahin na sana ni Dwayne ang kamay ko nang tinignan nya ako. Nakatunganga lang kasi ako dun.

"You want that?" Tumingin ako sa kanya.

"Hindi 'no, tara na." Hinila ko sya pero para na syang isang malaking bato, hindi ko kasi mahila. Baka ako pa ang tumilapon.

"Hay, ang girlfriend ko nagpapakipot. Alam naman nating gusto mo, 'di ba?" Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko at omyghash ang lapit ng mga mukha namin! Waahhh! Siguro para na akong kamatis o kaya sili na nakatayo dahil sa pula! Allergic kaya ako sa kanya?

"Kapre ka. 'Wag mo ngang ilapit 'yang mukha mo." Tinulak ko sya at saka naman sya tumawa.

"Halika, kukunin ko 'yan para sa'yo." At ayun, bumili sya ng bala. Shot gun kasi. Kung matatamaan mo ang pinakagitnang point ay sa'yo na yung Ice Bear.

"'Eto po sir. Enjoy." Binigay na nung nagbabantay ng palaruan ang bala. Oo is lsng yung binili nyang bala! Kaya nya kaya yun?

"Easy." Nagsmirk sya at kinasa ang baril. Nagfocus sya sa gitna. Nilapit nya ang mata nya sa taas ng shot gun. Ewan ko ba at parang ako pa yung kinakabahan! Ang yabang nya at isa lang ang binili nuh?

"Boom."

"Baka!" Nagulat ako nang gulatin nya ako. Binaba nya ang baril at hindi sya nakapagtira.

"A-anong problema?" Tanong ko. Pati yung may-ari nagulat. Ano kayang problema? Baka hindi nya kaya? Sya pla itong pakipot eh! Sana sinabi nya na lsng na hindi nya kayang patamaan.

"Do you think I'll play to your dirty game, sir? Parte ba ang pag-usog nyo sa paa ng target para gumalaw? Sa nabasa namin, wala namang nakalagay na 'moving target'." Bigla ko namang napansin ang paa nyang tinanggal sa gilid ng target. Halatang nabuko. Ang daya nya, kaya pala wala pang nakakuha ng teddy bear na yun.

"S-sir." Yumuko yung lalake.

Nako ka, kuya. Higit pa ito sa detective. Mas mabuti pang magpaliwanag kaysa mapag buntungan ng kamalasan.

"Mga negosyante nga naman." Halatang nainis na si Dwayne kaya hinawakan ko ang kamay nya tsaka sya tumingin sa'kin.

"Alis na lang tayo, kapre. Okay lang 'yan." Bulong ko.

"S-sir, sa inyo n-na lang ho 'to. L-libre na p-po 'yan." Kinuha nya ang teddy bear mula sa taas at nilapag sa harap namin. Nakita ko ang ekspresyon ng lalake, baka kailangan nya talaga ng pera kaya nya yun nagawa. O baka siguro, nahalata nyang matatamaan yun ni Dwayne. Pinapawisan na rin sya ng grabe. Si Dwayne naman, nakatanaw lang sa mama na hindi man lang makatingin sa'min.

The Warner's FightWhere stories live. Discover now