Chapter 4

3 0 0
                                    

:New

Shaina

Ilang araw na lamang at summer na. Hindi na kami magkakasama ni Dwayne. Pero, sabi nya bibisitahin nya raw ako sa bahay at ilalabas nya ako.

Dumadaan ako ngayon sa corridor at syempre, hindi naman mawawala ang mga chismosa sa paligid. Tulad na lang ng ngayon. Parang hindi na nga matatawag na bulungan dahil dinig na dinig ko na iyon.

"Akalain mo yung nerd, naging bf nya si Dwayne!"

"Oo nga parang hindi totoo. Ang raming magagandang babae at mas sexy pa sa kanya."

"Alam nyo, 'di rin sila matatagal. You know my papa Dwayne, 'di ba? Ang panget kaya nya grabe."

"Haha. Siguro palabas lang ito lahat ni Dwayne. That even a nerd kaya nyang paibigin, right?" Tapos tumango tango sila. Dumiretso lang ako sa paglalakad nang may nakabangga ako.

Bigla nya akong inakay papunta sa kanya at biglaan ako inakbayan sa bewang tsaka hinalikan ako sa labi. Smack lang. Jusko naman! Kaharap na namin yung mga nagchi-chismisan!

"Para ipaalam ko sa inyo, this isn't a game for me. Try to insult my girlfriend again..." Mukhang natakot yung mga babae at nagsitakbuhan sila palayo sa amin.

"Hindi mo na dapat ginawa yun..." Pagdadahilan ko, hindi parin tumitingin sa kanya. Yumuyuko parin.

"Eh sa ayaw kong makita ang girlfriend ko na iniinsulto eh, uh?" Tinaas nya ang baba ko at napatingin naman ako sa mga mata nya.

"Hm, nagdadahilan ka pang kapre ka. Dun ka nga sa punuan mo!" Biro ko.

"Anong sinabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong nya sa'kin. Bingi ba sya at parang hindi nya dinig yung salita ko dito sa gilid?

"Ang sabi ko dun ka sa punuan mo! Hindi ka bagay maglakad! Bagay sa'yo magpatingkayad sa puno! Blehh!" Tapos dinilaan ko sya. Parang bata lang eh, 'no?

"Aba naman itong babaeng ito. Halikan kita dyan eh, huh?"

"Huy! Huy! Ano ba Dwayne—ibaba mo nga ako!" Bigla lang naman nya sakong binuhat na parang sako?!

"Parusa mo 'yan. Kasalanan mong mahal kita ah, baka ano pang magawa ko sa'yo." Bigla naman akong natawa. Asus kineleg sya oh.

"Ikaw yung may kasalanan nyan! Eh kung bakit ba kasi sa'kin pa! Eh 'di ba sabi mo panget ako! Ang sakit kaya nung pagtatak mo ng Warning sign sa noo ko!" Nagsimula nang tumingin ang mga estudyante sa'min. Ang ingay ko lang nuh? Naglalakad lang naman sya papuntang room. At tandaan, third floor pa yun ano?!

"Sino namang nagsabi na panget ka?" Aba, binabaliktad pa talaga ako ah.

"Edi ikaw! Sino pa ba?"

Bahagya itong ngumiti. "Sorry pero wala akong matandaan."

"Ewan ko sa'yo." Inirapan ko lang sya.

"Para kang bulak sa gaan. Paanong ang isang tulad mo, kumakain ng marami pero ang gaan? Abnormal ang eating habit mo, tsk." Saka nya ako inayos, medyo sumakit yung tyan ko dahil sa balikat nyang parang bato.

"Ewan ko, tanungin mo ang tyan ko baka sagutin ka neto. Hindi ba mahal kong tyan?" Kunwaring kinausap ko pa ang tyan ko at natawa na lang bigla.

"Paano magsasalita 'yan? Stomach has no mouth, Shaina."

"Nakakatawa man pero nakakausap ko ito! Tulad na lang kung wala akong kausap, kusa syang magsasalita, 'hoy Shaina gutom na ako.' Tapos sasagot naman ako, 'oo, wait ka muna, wala pang pagkain. Hintay hintay muna.' At tulad na lang ngayon, ang sakit na ng tyan ko dahil sa balikat mo."

The Warner's FightNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ