Chapter 19

2 0 0
                                    

:Kakaiba

Shaina

Tumayo ako na ako para sana simulan na ang paglilinis pero ang problema, hindi ko alam kung nasaan ba ang mga gamit para makapagsimula na ako. Saktong namang dumaan si miss Anya.

"Miss Anya, uhmm... Alam nyo ba kung asaan ang mga gamit pang linis?" Tanong ko.

"Oras na ba sa paglilinis?" Lumingon sya sa orasan sa likod at humarap na sa'kin.

"Hindi pa po pero gusto ko nang simulan para maaga akong makapagleave. Tsaka madami pa pong mga kalat. Sigurado akong matatagalan ako." Paliwanag ko.

"Sige, tara sundan mo ako." Naglakad sya patungo sa cr. Sa gilid doon ay isang kabinet na may lamang mga kagamitan panglinis. Kasama na do'n ang mop, balde, sprayer at iba't iba pang gamit.

Kinuha nya yung belt. Sa gilid ng mga belt ay may mga lalagyan para dala dala ko na ito kung saan ko man gusto maglinis. Nilagay ko na ito sa bewang ko. Nilahad rin nya ang mga gloves at binigay sa akin ang walis at mop.

"May kailangan ka pa ba, Shai? Kasi aalis na rin ako pagkatapos nito, eh." Tanong nya.

"Sa opisina po ni boss—este sir Dwayne, kasali ho ba yun sa mga lilinisan ko?" Tanong ko pabalik. Sana naman ay hindi. Okay lang kung wala sya doon pero kung maglilinis ako na nandyan sya at nakaupo, nakatingin sa'kin, 'wag na lang.

"Oo ija." Sagot nya.

Tumango ako at ngumiti. "Sige po. Salamat."

Ngumiti rin sya pabalik at tumango na lang bago umalis. Sinarado ko ang pintuan at dumeretso sa mga cubicle. Nakita ko ang opisina nya na may ilaw parin. Nandyan pa kaya sya?

Biglang natuyo ang lalamunan ko nang may lumabas na babae sa entrance at niluwa nito ang isang babaeng pumatid sa'kin sa cr. Kita ang cleavage at yakap yakap ng damit nya ang kanyang katawan. Masyadong maikli ang skirt na naglakad papunta sa opisina ni Dwayne. Hindi nya ako napansin, siguro hindi nya ako nakita.

Bigla akong kinabahan.

Ano, Shai? Hindi 'no! Sige na! Maglinis ka na nga! Ginugulo ka lang nyan eh.

Pero ano kaya ang gagawin nila sa loob? Hindi kaya...

Aish! Erase erase! Hindi! Baka nga. Ah basta! Ano namang pakealam mo kung may gagawin silang... Alam nyo na yun, basta yun! Bahala sila sa buhay nila.

Nagsimula na akong magligpit ng mga kalat sa bawat cubicle. Hindi parin nawawala sa isip kung ano ba talaga ang gagawin nila.

Pagkatapos kong magligpit ay nagspray ako ng tubig sa bawat lamesa at nilinis ito gamit ang basahan.

Medyo natagalan ako sa paglilinis ng bawat desk dahil gusto kong maging presentable ito at para naman kahit papaano ay maging kaaya-aya ang pagtratrabahuan nila araw-araw. Para bawas na rin sa stress.

Dala dala ko ang basurahan, walis at dust pan. Sinimulan ko na ang magwalis ng sahig. Medyo mahaba haba pa ang wawalisan ko dahil buong floor kaya ang lilinisin ko.

Tinignan ko ang orasan. Ang bilis lang pala ng oras. Akalain mong isang oras na akong naglilinis dito?

Habang naglilinis ako ay naghum ako ng paborito kong kanta. Bigla na lang akong napahum ng Be With You by AKMU.

Natigilan ako. Naalala ko ulit 'yon.

"Alisin nyo nga 'yan dyan!"

The Warner's FightWhere stories live. Discover now