Chapter 20

1 0 0
                                    

:Still Your Boss

Shaina

"Where's my secretary?!" Dinig kong sigaw ni Dwayne sa tapat ng kotse. Ako naman, naglalakad pa papunta sa kanila. Nakakapagod kaya.

"S-sir... Siguro naman paparating na yun—"

"I need her, now." Parang nag-echo yung boses nya sa buong basement.

"Asa'n na ba yun?"

"Ang tagal naman! Nakakaimbyerna indai!"

"Baka tayo pa ang masesante dahil sa kanya..."

"Hay ano ba 'yan."

"Nandito na ako!" Kumaway ako at dali daling pumunta doon. Nakita ko naman ang mga mukha nilang para bang nabawasan ng tinik?

May mga iilang trucks na ang karga ay mga camera at iba pang gagamitin sa shooting. May mga iilan ding mga lalakeng nakasuit. Siguro partners sila ng Empire. Abala pa sila sa mga pagkarga noon kaya tumunganga na lang ako. Bahala ang isang dyan, hindi ako lalapit sa kanya o sasakay sa kotse nya. 'Di baleng doon ako sa likod ng truck eh.

"Are you Ms. Montiel?" Sambit noong lalakeng nakasuit sa gilid. Gwapo. Erase erase!

"Opo, bakit?" Mukhang kaedad ko lang ata. Kilala nya ako? Hay ang sikat ko talaga!

"Kung hindi ako nagkakamali ikaw yung owner ng Montiel, Shaina Advertising, right?" Napalaki ang ngisi ko. Parang kumikinang na naamaze. Humarap ako sa kanya. Napalaki rin ang ngiti nya. "I knew you are."

"Saan mo nalaman yun, sir?" Tanong ko.

"First, don't call me sir, just Sam." Sambit nya.

Tumango tango ako. "Sam... Okay!" Tumawa sya saglit ay inayos ang sarili.

"Kilala kayo sa iba't ibang kompanya dahil sa mga projects na binigay sa inyo. Well, I'm surprised to see a small company but have big surprises when it comes to creativity."

Wow! Akalain mo yun? Kilala ang MS! "Talaga... Hindi ko alam yun..."

"May I ask you?" Tanong nya.

"Oo, sige." Sagot ko.

"Why do you work on the firm of Empire? And nabalitaan ko, ang MS ay hindi na tumatanggap ng projects."

"Kasi—"

"May I excuse you, we'll go now." Tinignan ko ang pagkakahawak nya sa palapulsuhan ko. Lumingon naman sya sa'kin at saktong nagtama ang mga mata namin. Pati si Sam ay nakatingin na sa kamay ni Dwayne. Yung isang kamay ko ay dala dala ko yung cake para sa mama ni Ben.

"Mr. Rodriguez, I'm sorry." Lumingon si Sam sa akin at ngumiti. "But pwede namang sumabay sa akin si Shaina."

"Do you ever heard that she's my secretary?" Kumunot ang noo ni Sam sa sinabi ni Dwayne. Sinubukan kong iwakli ang kamay ko pero mas hinigpitan pa nya ang pagkaka hawak. "And I need her."

"Oh... I'm sorry. Hindi ko alam. So, Shaina, talk to you later." Ngumisi sya at kinaway ang susi sa kotse nya sabay talikod at pasok sa kotse nya.

Pinailaw pa nya ang mga ilaw sa harapan nya at kumaway. Kumaway rin ako at narinig ang pagsinghap ng lalake sa gilid ko.

"What are you talking to?" Tumingin sya sa'kin, nakakunot ang noo. Wala na ang mga trucks at iba pang mga kotse. Siguro ay nauna na.

"Wala." Tipid kong sagot.

The Warner's FightWhere stories live. Discover now