Chapter 14

2 0 0
                                    

A/N: Pati ako nanghihinayang na hindi dumating si Shaina :'( hay!

Enjoy reading! :)

:Habol

Shaina

Napag-isipan kong umuwi na lang sa amin. Kahit na nanghihina ako ay pumunta kaagad ako. Pagkadating ko ay walang tao sa loob. Tinawag ko si tita. Hindi sya sumasagot. Tinawagan ko sya pero hindi nya sinasagot.

"Uy Shaina." Tawag sa akin ng isa sa kapit bahay namin dito.

"Si tita po? Nasa'n?" Tanong ko.

"Naku, mukhang umalis dala dala yung mga bagahe nya. Nagkakalat pa nga ng pera, mukhang nakatumapak sa lotto at naging milyunaryo. Ang sabi nya hindi na raw sya babalik." Bigla akong nanlumo.

"Alam nyo ho ba kung saan sya lilipat o kung may hinabilin sya?" Tanong ko ulit.

"Naku, pasensya na Shaina pero wala eh. Bigla na lamang umalis na para bang ewan. Kumakati yung butchi." Nanghihina akong tumango. "Sige, maiwan na kita dyan ah." Tumango ulit ako at naglakad na sya papalayo.

Paano na ito? Nawala na lang si tita ng walang pasabi. Ng wala ako sa plano.

Pagod na pagod pa ako sa byahe. Pumasok ako at pumunta muna sa kwarto ko. Doon ko muna hinabilin kay Dean ang mga gamit ko. Sya na rin ang nagboluntaryo dahil malayo pa rae ang bya-bhyahiin ko.

Gabi na nang makauwi ako. Humiga ako at pumikit. Pilit na winawakli ang nangyari kanina.

Pero sa kabila ng lahat, mahal ko parin sya. Parang may ibang kutob akong nararamdaman. Kinakabahan ako. Nasa kalagitnaan ako ng tulog at gising. Masyadong winasak ang puso ko at masyadong baldado pa ang katawan ko.

Bago pa ako makatulog ay chinarge ko ang cellphone ko. Hindi ko na magawang tignan ito dahil masyado pa akong depress.

Nagising ako kinaumagahan. Nagising ako ng alas syete y media ng umaga.

Tinignan ko ang cellphone ko at ang raming missed calls at text ang naroon. Nahagilap ng mga mata ko ang isang number. Agad ko itong binuksan at binasa.

Hihintayin kita sa puno na inupuan natin nung isang gabi. Umaasa ako sa'yo na darating ka...

Tinignan ko ang oras kung saan nakita kong alas sais ito nasend sa akin. Bigla akong tumayo at naligo. Nagbihis kaagad ako at hinanda ang sarili.

Umaasa rin ako.

Dali dali akong lumabas at sumakay ng taxi.

Sana maabutan ko pa sya. Sana nando'n pa sya. Tatlong oras ang byahe.

"Manong, pwedeng pakibilisan ng konte?" Tanong ko, nakahawak sa upuan ng driver sa likod.

"Pwede pero hindi masyadong malakas dahil pwede tayong mabangga lalo na't madulas ang kalsada dito, miss." Tumango ako. Lumalakas ng lumalakas pa lalo ang tibok ng puso ko. Gusto kong maka-abot. Nag-aantay na sya doon.

Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Gusto ko rin syang replayan na dadating ako pero wala akong load. Sa sobrang pagmamadali ko ay 'eto na at nagkakanda-ugaga ako dito. Hindi na ako makapag-antay. Kung ano man ang sasabihin nya...

(Now Playing: Kung Sakali Man by Angeline Quinto)

Nang sa wakas ay nandito na rin ako at dali dali kong binayaran ang nasa harapan ko. Lumabas ako at tumakbo ng mabilis papuntang taas. Sa sobrang bilis ng takbo ko, muntikan na akong madulas. Pero hindi ako natitinag. Gusto ko ulit syang makita sa kabila ng lahat.

The Warner's FightWhere stories live. Discover now