Chapter 21

4 0 0
                                    

:Parin

Sinarado nya ang pintuan at agad na niluwagan ang kanyang necktie at naghubad ng tuxedo nya. Basta nya na lamang itong itinapon sa kung saan. Unang tingin pa lamang sa condo unit nya, aakalain mong may stampede na nangyari. Pa'no ba naman, mag stampede na, parang dinaanan pa ng bagyo. Binaba ko ang bag ko sabay libot ng paningin sa kabuuan nito.

Habang sya, nakaupo na at tinatanggal ang sapatos at medyas. Tinapon nya rin ito sa kung saan at nagliparan na lang.

Hindi naman sya ganito noon.

Kunsabagay, nagbago na talaga sya. O ito na talaga ang ugali nya simula pa noon? Ay ewan ko. Malay ko ba? Apat na taon kaming hindi nagkita.

Tumayo sya at basta basta na lang hinubad ang slacks nya. Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang mga palad pero sumisilip parin ako. Aish! Shaina! 'Wag kang tumingin!

Nababaliw na talaga sya!

"Ahhh! Ano ba, Dwayne?! Baliw ka ba? Sa harapan ko pa talaga? Hindi ba pwedeng pumasok ka sa kwarto mo at dun magbihis?!" Sigaw ko, nakayuko lamang. Kunot na kunot ang noo ko. Ano ba naman 'yan! Sana hindi nya makita ang pag-iinit at pagmumukhang kamatis ng mga pisngi ko!

"What? Hindi ba naghuhubad sa harapan mo si JJ? Si... Dean?" Sumilip ako at agad na tinakpan ulit ang mga mata dahil naka-boxers na lang talaga sya at nahubad na nya ang puting polo.

"Magbihis ka nga! Nakakainis!" Sigaw ko.

"Cook for me. I'm already starving." Narinig ko ang mga yapak nya papalayo. Nang sumilip ako ay napabuntong hininga ako at tinanggal na ang mga kamay sa mata.

Hinay hinay akong naglakad tungo sa kusina nya. Hindi naman tulad ng sala nya na sobrang gulo. Dito, parang lahat ng gamit bago at mukhang hindi pa nagagamit. Hindi siguro sya marunong magluto kaya hindi nya nagagamit ang nga ito. Sayang naman, baka mangalawang at mangugat na ang mga ito kapag hindi magagamit. Ang sarap kaya magluto sa nga bago at magagandang gamit sa kusina.

Yung stove nya, touchscreen teh! Bongga! Ang ganda. Sinuri ko pa ito kung paano gamitin. Tapos bumaling ako sa double door na ref nya na kulay itim. Binuksan ko ito at ang laman lang ay puro beer at wine. Walang iba. Ang linis. Binuksan ko ang refrigerator at nakita ang fresh na karneng baboy. Meron naman siguro syang mga gulay at toyo ano? Kundi sasapakin ko talaga sya, pinagluto nya ako tapos walang mga pangluto?

Lumuhod ako at binuksan ang pangibabang aparador sa ref nya. Buti naman may mga gulay at iba pang sangkap. Tamang tama lang, gagawa ako ng tapa.

At ayun, nagsimula na akong magluto. Habang nagluluto ako ay may bigla akong naisip.

Asa'n na kaya si Noreen? Kamusta na kaya sya? Sumunod ba sya sa kuya nya dito sa Pinas o nagstay lang sya doon?

Hindi ko na kasi sya ma-kontak simula nung insidente noon. Namiss ko na tuloy sya. Sya kasi yung naging unang kaibigan ko sa Empire, at kung mamalasin nga naman, kapatid nya pa si Dwayne.

Nang malapit nang matapos ay inamoy ko iyong niluto ko na lumalabas pa ang usok mula sa loob. Nilanghap ko 'yon at hindi naiwasang napapaikit. Ang bango kaya. Parang gusto ko na ring kumain.

Hinanda ko na iyon. Dapat presentable. Ayaw ko na makarinig ng mga side comments nya, 'no. At dapat, makita nyang pinag-igihan ko talaga.

Pagkalapag ko ng niluto sa lamesa ay nakaupo na sya sa harapan at naka-poker face lang. Nakasando na sya ngayon at shorts.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Oct 12, 2017 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

The Warner's FightWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu