Chapter 12

3 0 0
                                    

:Birthday Surprise

Shaina

May 31. Ang araw na sinabi sa'kin ni Noreen. Lumabas ako ng walk in closet at nakita si Dwayne na nakatayo sa harap ko. Nakapa mewang sya habang inuusisa ako.

"Okay lang ba?" Tanong ko.

"You're freaking stunning." Aye, kinilig naman. Pero medyo nagtatampo ako, hindi naman sa ano pero hindi man lang nya alam na birthday ko ngayon.

Okay lang iyan, Shaina. Mamaya ko na lang sasabihin na birthday ko. Sa ngayon, happy birthday to myself na lamang. Hays, parang ang lungkot lungkot ko. Pero hindi ngayon, debut ni Noreen kaya masaya ako para sa kanya.

Nagponds at pulbo na lang ako. Eh sorry naman, hindi ako marunong magmake up eh.

Ang gwapo nya rin. Black tuxedo, royal blue necktie, black slacks at sapatos. Siguradong maglalaway ka. Aakalain nilang tagapagsilbi lang ako.

Nang maka-abot kami sa hotel ay may nag-guide ng pagpark ni kapre sa harap ng fountain.

Tumunog ang cellphone nya. Sinilip ko iyon at nakita kung sino iyong tumawag. Ang papa nya.

Sinagot nya ito.

"What?" Iritado nyang tanong.

Ano kayang problema?

"But dad. Shit." Hala.

Binaba nya ang cellphone at tumingin sa'kin. Ngayon nya lang narealize na nakikinig pala ako.

"May meeting ba?" Tanong ko.

"No, wala. Let's go." Bumaba sya at pinagbuksan ako ng pintuan. Naglahad sya ng kamay at tinanggap ko iyon.

"Baka importante iyon, Dwayne." Tumigil kami. "Sige na, mauuna na lang ako. Tinext naman sa'kin ni Noreen ang room eh."

Bumuntong hininga sya at pumikit ng mariin. Parang problemadong problemado. "Ano ka ba, okay lang."

Tinignan nya ako at ngumiti lang ako. Tinext naman ni Noreen eh. Sigurado akong mahahanap ko rin iyon at mag tatanong na lang.

Tumango sya pero iritadong iritado.

"Ngumiti ka nga." Hinawakan ko ang mga gilid ng labi nya at pilit na hinihila ito para ngumiti sya pero imbes na ayusin ko ay tumawa ako sa mukha nya.

"It's not funny, Shaina."

"Sorry na nga. Ngumiti ka kasi. Walang magagawa ang pagsimangot mo dyan." Tumingin sya sa'kin. At ngumiti. Nakakatawa ang mukha nya, grabe.

"Stop laughing." Tumigil ako.

"Sungit naman neto."

"Text me if asa'n ka na. Inform me every time." Tumango ako at sabay kaming pumasok sa loob.

Noreen

"Handa na ba ang lahat?" Sigaw ko. Dapat maging perfect ito! Gosh!

"Oo, kulang na kang ay si Shaina at si Dwayne." Sabi ni Dean.

"Teka asa'n na ba si kuya?" Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko sya. Nagring ang phone at sinagot na rin kalaunan.

"Hello, kuya? Asa'n na kayo?"

"Sorry, pupunta syang mag-isa dyan. Hindi ako makakasabay sa pagpasok nya. Dad threatened me."

The Warner's FightDove le storie prendono vita. Scoprilo ora