Chapter 13

2 0 0
                                    

#TWFPaalam

Enjoy reading! :) -Kai

:Paalam

Shaina

Tahimik lang ako habang nagmamaneho sya. Pumunta muna ako sa cottage at kinuha lahat ng gamit ko. Iniwan ko sa kama ang Polaroid Camera.

Sana pala pumayag na lang ako na lumayo kay Dwayne nung sinabi sa akin ng mama nya na layuan ko na sya. Nagpakatanga ako. Hindi dapat ako naaapektuhan ng ganito pero bakit ang sakit sakit? Ang makita syang may kasamang babae at mismong engagement party nila. Tama nga sila, pati na ang mama ni Dwayne. Hindi kami bagay. Simula pa no'ng una.

Pero mahal na mahal ko sya. Pinagkatiwala ko ang damdamin ko sa kanya ng husto. Akala ko mahal nya rin ako pero isa na lamang ako sa mga patunay nya sa sarili na kaya nya akong paibigin.

Nangilid ang luha ko habang tumitingin sa labas ng bintana.

Sinubukan kong tanggalin ang bracelet pero kahit ano pang kuha ko do'n ay hindi talaga matanggal. Naisip kong matatagalan lang ako kung magsasayang ako ng oras para tanggalin.

Nangilid an mga kuha ko at gusto ko ulit na umiyak. Gusto kong isigaw lahat ng hinanakit. Gusto kong mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman ko. Kahit humugot pa ako ng malalim na hininga ay 'di parin sapat.

Hindi ko alam kung asa'n kami pupunta. Bahala na basta makalayo ako dito. Uuwi na lang ako sa amin kung handa na ako.

Huminto ang sasakyan nya. Lumabas kami at doon ko lang napagtanto na isa ito sa mga matataas na bundok sa bayang ito.

Umakyat kami sa taas. Hindi parin ako makahinga ng maluwag kahit na maganda ang simoy ng hangin. Kahit na ang magagandang bulaklak at damo, ni hindi ko man lang na-appreciate.

Nang nahirapan ako sa pag-apak ay tinulungan ako ni Dean. Tinanggap ko iyon at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang maramdaman kong hindi nya parin ako binibitawan kahit na patag na ang lupa, kusa kong tinanggal ang kamay ko. Huminto sya at tinignan ako.

"Kahit ngayon lang naman, Shaina. Hayaan mong ako muna ang gawin mong kandungan." Yumuko ako. Talaga namang kailangan ko ng kaibigan ngayon.

Tumango ako at kinuha nya ang kamay ko.

Kitang kita dito ang buong bayan. Umupo kami sa damuhan. Parang pamilyar ang pangyayaring ito.

Naiiyak na naman ako. Gusto ko ngayong umiyak.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at tinitignan ang mga damong pumupungay.

"Kung gusto mong umiyak, ilabas mo na ngayon. Makikinig ako, Shaina."

Unti unting pumatak ang mga luha galing sa mga mata ko. Hindi ko na kasi mapigilan. Ang sakit sakit, lahat bumabalik.

"Pinipilit kong tinatago ang nararamdaman ko pero ang sakit sakit..." Humagulgol na ako ng iyak. Niyayakap ko lang ang tuhod ko. "Ano bang ginawa ko at nangyari sa akin ang lahat ng ito? Nagmahal lang naman ako..."

Naramdaman ko ang kamay nyang nakapulupot na sa akin. Ang ulo ko ay nasa dibdib na nya. Hinawakan ko ang kamay nyang nasa harapan ko. Humagulgol ako dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Bakit ganito? Ang daya daya... Binigay ko naman lahat... Ang daya daya nila! Pakiramdam ko dinudurog ako ng dahan dahan... Ganito na ba ako ka tanga para hindi malaman ang lahat?" Nilabas ko lahat ng sakit sa puso ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya. Ang mga paa ko ay parang lulubog na sa lupa dahil sa pag-apak ko ng mariin dahil na rin sa sakit.

The Warner's FightWhere stories live. Discover now