Chapter 9

2 0 0
                                    

:Hadlang

Dwayne

Kinuha ko ang cellphone ko dahil may tumatawag. Lumingon muna ako sa cr, naliligo parin si Shaina. Parang ang sakit sa mga mata ng binasa ko kung sino yung tumawag. Sasamantalahin ko muna habang naliligo si Shaina.

I swiped the screen to answer the call. Nilagay ko sa tenga ang phone.

"What?" Bungad ko.

"Don't you miss your mother?" Nakakairita na ang boses nya kumpara noon.

"Why did you call?" Hinilot ko ang aking sentido bago lumingon sa cr at lumingon ulit sa kung asa'n ako tumingin kanina.

"Talagang kinamumuhian mo na talaga ako dahil sa babaeng iyan. Well, tinatanong mo na rin naman kung bakit ako tumawag. We have a meeting tomorrow with the investors including the Lopez's. You know, planning your wedding with Eunice." Napabuntong hininga ako. Talaga ngang hindi ko na ito matatakasan pa. Ilang araw na lang at matatapos na ang dalawang buwan. Isang buwan na lang ang natitira.

"Akala ko ba akin ang tatlong buwan? Bakit nakikisabay rin kayo? Sinasadya nyo ba ito?" Irita kong tanong.

"As the matter of fact, yes. Alam mo namang sinadya ko—namin talaga ito. Dalawang buwan na lang ang natitira, Dwayne. Take your time with your girl. Sana makilala ko rin sya ng harap harapan." Buwiset. "Hello? Are you still there?"

"Yes." I answered.

"Tandaan mong para sa ikabubuti mo rin ito, Dwayne. I swear after your wedding with Eunice ay mamahalin mo sya at makakalimutan mo na rin 'yang babae mo. In fact mas maganda, mas mayaman at mas kilala pa si Eunice kaysa kay Shaina."

"Bullshit." Sa inis ko ay naitapon ko ito sa kung saan at nakita si Shaina na nakahawak sa pintuan, gulat. Sinundan nya ng tingin an phone na ngayon ay wasak na.

"Hala, anong nangyari?" Good thing hindi nya narinig.

"Wala. Nainis lang ako sa ringtone." What a lame excuse, Dwayne. What the fuck. At least, hindi nya narinig yung usapan.

"Okay... Ang weird mo kapre." Parang nagtataka pa ang mukha nya. Patawad, maaaring ang pag-intindi mo ay iiwan kita pero hindi, mawawala man ako sa paningin mo, nandito lang ako palagi, sa tabi mo nakabantay.

The Warner's FightWhere stories live. Discover now