Chapter 5

4 0 0
                                    

:Plan

Graduation Day...

Dwayne

"Congratulations, dear students!" The principal said. Hinagis sa ere ng mga graduates ang kanilang mga graduation caps.

We are finally graduated. Another chapter will open for us. I looked at her and I suddenly felt guilty about that fix marriage with Eunice.

Here I am, standing beside her. Seeing her smiling and loving face while throwing and staring happily in this moment.

I know that someday that face would frown. Tears will fall down, streaming like if its no tomorrow. Masasaktan sya. Kahit labag sa kalooban ko, kailangan kong sundin ang parents ko.

"Congrats Kapre! Graduate na tayo! Yehey!" Mas lalo lamang akong nalungkot nang niyakap nya ako. Sobrang saya nya ngayon. Hindi ko kayang makita syang umiyak.

"Oh? Ba't nakasimangot ka dyan, huh?" Sabi nya. Ngumiti na lamang ako. Kunwari masaya ako, suot suot ang maskara para hindi mahalata.

"Ano ka ba? Bulag ka ba? Hindi naman ako nakasimangot ah! Pa-kiss nga—" hahalikan ko na sana sya pero tinulak nya ako.

"Ano ka ba kapre ang dami kayang tao." Pabulong nyang sinabi.

"Tsk, pati halik pinagdadamot ko pa." Disappointed kong sabi.

"Mamaya na lang kapre. Hehe."

Pagkatapos nito ay pupuntahan ko ang tita nya at sasabihin na ang totoo. Ayaw kong itago ang relasyon namin. I know I'm too bad, sasabihin ko sa tita nya tapos sasaktan ko lang sya. Pero isang rason kung bakit ayaw kong itago ang relasyon namin—dahil mahal ko sya at gusto kong ipaalam sa lahat na mahal na mahal ko sya.

"'Eto, Shaina, gift ko bago ako umalis..." Napatingin si Noreen sa akin at binigyan ko lang sya ng masamang tingin. "...sa school papuntang bahay."

Tinanggap ni Shaina ang regalo, it's a little box. Hindi ko alam kung anong laman no'n.

"Hala, eh wala akong gift sa inyo! Ano ba 'yan!" Si Shaina.

"Okay lang Shaishai. Hug na lang." Aakmang yayakapin na ni Paulo si Shaina nang nilayo ko sya dito. Yumuko naman si Paulo.

"Ano ka ba kapre! Binigyan nya ako ng gift oh. Total graduation na ngayon at last na ito." I know, hindi ko sya mapigilan. Bumuntong hininga na lang ako.

"Oo nga! KJ si kuya! Palibhasa ang selfish nya kay Shaina." Si Noreen.

"Okay. Pero sandali lang. Ayaw kong... Go!" Parang nabigla naman si Paulo at niyakap nya ng mahigpit si Shaina. Nung parang mawawalan na si Shaina ng hininga, nilayo ko na si Paulo.

"Salamat Paupau! Mamimiss kita, ikaw rin, Noreen." Okay lang na yakapin nya si Noreen, ayaw ko lang ang mga lalakeng niyayakap sya, mag-aapoy ako sa galit.

"Hayaan mo, pupunta ako sa bahay nyo para makapag-bake ng cake." Pumait ang tingin ni Noreen. "Oh bakit? Anong problema? Bakit parang ang sama ng tingin nyo huy!"

"Ah-ano oo naman! Sige!" Si Noreen na ngayon ay tinitignan ako na para bang humihingi ng tulong sa akin.

"Shaina, let's go. Baka may mang-agaw sa'yo dito." At nagulat naman sya. Bago ko pa sya maihila ay sumingit na naman ang isang kumag. Speaking of, Dean Raphael.

"May ibibigay lang sana ako." Mukhang naging seryoso itong gago. Gusto ko lang naman ipamukha sa kanyang talo sya at akin lang si Shaina.

"Ibigay mo na. Baka ako pa ang magbukas at magtapon." Hindi ako tumitingin sa kanila pero ramdam ko na nakatitig sila sa'kin.

The Warner's FightWhere stories live. Discover now