4

823 35 5
                                    

"Seulgi?" tanong sa akin ni Taehyung ng buksan nya ang pinto, "Bakit nandito ka?" nakakunot ang noo nya.

Wow ha, hindi nya talaga alam kung bakit nandito ako? Malamang. Nandito ang girlfriend ko.

"Si Irene?" diretsong tanong ko sa kanya.

"Huh?" kunwari pang walang alam na sabi nya. "Wala dito---"

Hindi ko na sya pinatapos dahil pumasok na ako sa bahay nya. Rude na kung rude, pero alam kong nandito ang girlfriend ko.

Pumasok ako sa bahay nya at nilibot ang tingin ko. Nakita ko ang bag ni Irene na nasa couch.

Lalong sumikip ang puso ko. Alam ko na naman na nandito sya pero nasasaktan pa din ako dahil totoo talaga.

Napatingin ako sa cr ni Taehyung at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Irene na nakatapis lang ng towel. Halatang galing sa pagligo. Napatingin sya sa akin at wala akong mabasang ekspresyon sa mukha nya.

Ganun lang yon?

Matapos ko syang mahuli na nasa bahay ng ex nya at nakatapis lang ng towel na yan, ganun lang? Tititigan nya lang ako?

Putangina naman pala.

Nagsisimula ng magtubig ang mata ko.

Nasasaktan ako.

Sobrang sakit.

Lalo na ng sinabi nyang, "Bakit nandito ka? Umuwi ka na."

--

wag kayong magagalit kay Irene. 😂 magagalit sa inyo si @Baechuism dahil gf daw nya si Baechu. wahaha. pusit.

parallel lines // seulreneWhere stories live. Discover now