19

809 30 2
                                    

"P-pakiulit?"

Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko. Dahil kay mama? Totoo ba?

"S-sinabi sakin ng mama mo na hiwalayan na kita dahil.. dahil hindi daw tayo pwede. Masisira lang daw ang buhay nating dalawa." mahinang sabi nya.

"At naniwala ka naman? Hiniwalayan mo ako dahil natakot ka ganun ba?" tanong ko naman.

Umiling sya, "Hindi. Alam mo kung gaano kita kamahal. Kaya ko lang nagawa iyon dahil sinabi nyang ituturing ka na nya ng parang anak kapag hiniwalayan kita.."

Kaya pala. Kaya pala naging mabait sa akin si mama nung iniwan ako ni Irene.

"D-diba matagal mo ng hiling iyon? A-ang tanggapin at mahalin ka ng mama mo? K-kaya naman, eto, nagsakripisyo ako para maging masaya ka. Atleast, maayos na kayo diba?" ngumiti pa sya pero umiiyak na sya.

Hindi ako nakapagsalita. Ginawa nya to para sa akin.

Para sakin.

Tinignan ko sya, "B-bakit hindi mo sinabi agad? Bakit kailangan mo pa akong saktan? Bakit kailangan pa nating masaktan?" umiiyak na sabi ko.

"S-sorry kung kailangan kong gawin yun. G-gusto ko lang naman na magalit ka sa akin para mapadali ang pagmomove on mo."

"Pero hindi pa din naman ako nakakamove on eh," natigilan sya ng sabihin ko iyon. "Mahal na mahal pa din kita hanggang ngayon, Irene. Lalo na at alam ko ang totoo? Hindi na kita papakawalan."

"P-pero paano ang mama mo?"

"Kakausapin ko sya," matigas na sabi ko. "Hindi pwedeng mahiwalay ka ulit sa akin lalo na at alam kong mahal mo pa rin ako."

**

good afternoon! ; ;

parallel lines // seulreneWhere stories live. Discover now