6

850 32 1
                                    

"Finally," sabi ni Irene sa akin. "Pinakawalan mo na din ako."

Nandun ang hindi ko maipaliwanag na boses nya. Iniintay nya na lang pala ang pagsuko ko.

"Sana maging masaya ka na." mahinang sabi ko sa kanya.

Tumalikod na ako at pumatak na naman ang mga luha ko na pinipilit kong punasan kanina pa.

Pero ngayon, hinahayaan ko nalang ito. Sana kasabay ng paghupa ng mga luha na to, itangay na din ang feelings ko para sa kanya.

Paglabas ko ng bahay ni Taehyung, napaupo nalang ako sa may gate nya at napahagulgol. Ang sakit sakit. Pagkatapos ng limang taon naming pagsasama, binitawan ko sya. Yung tipong kapit pa ako ng kapit sa kanya pero sya pala, matagal na akong binitawan.

Ang sakit sakit.

Sana mawala na din to.

parallel lines // seulreneWhere stories live. Discover now