24

695 23 0
                                    

Nagising ako ng walang Irene sa tabi ko. Kinabahan naman ako dahil paano kung panaginip lang pala ang lahat? Paano kung hindi naman totoong nagkabalikan kami?

Inikot ko ang tingin ko at nakita kong nandito ako sa bahay namin ni Irene. So, totoo nga? Pero nasaan si Irene? Narealize ba nya na hindi nya ako mahal talaga at umalis na sya bago pa ako magising?

Nanghihinang napatayo naman ako pero napaangat ako ng tingin ng maamoy ang mabangong luto na nanggagaling sa kusina.

Nagmamadali akong bumaba at pumunta sa kusina. Nakita ko doon si Irene na nagluluto ng kung ano habang nakaapron at nakapusod ang buhok nya.

Napangiti naman ako. Totoo nga..

Napatingin naman sya sa akin at napangiti, "Hi, babe." she chuckled. Naramdaman ko naman ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

"Good morning. Oh, natulala ka dyan? Nabighani ka na naman ba sa kagandahan ko?"
natatawang sabi nya sa akin.

Napangiti naman ako, "Hindi lang ako makapaniwala na bumalik ka na talaga sa akin."

Napangiti sya at nagluto ulit. "Pero maniwala ka na. Nandito na ulit ako sa harapan mo at hinding hindi na kita iiwan."

Napangiti ako. Ang sarap pakinggan mula sa kanya na hindi nya ako iiwan.

"Maganda ka pa sa umaga," i giggled. Umupo ako sa stool at pinanood sya habang nagluluto sya.

Nakatingin ako sa maganda nyang pigura at sa batok nya na maputi. Nakashorts lang sya kaya naman kita ko ang maputi nyang binti.

Napalingon sya sa akin at huling huli nya na tinitignan ko ang binti nya.

She smirked, "Alam kong sexy ako, babe."

Napatawa naman ako.

**

parallel lines // seulreneWhere stories live. Discover now