20

772 28 0
                                    

"S-seulgi, i think kailangan na nating umalis. Mukhang namukhaan ng mga tao ang kotse ko." sabi ni Irene at napatingin ako sa labas ng kotse nya. May mga tao nga doon na patingin tingin sa side namin. Mukhang hinahunting sya.

"Sikat ka na kasi," nakangiting sabi ko.

"Hindi kaya." ngumuso sya, "Kahit na natupad ko na ang pangarap kong maging model, hindi pa din ako masaya dahil hindi kita kasama.."
napangiti ako sa sinabi nya. Sya. Sya yung dating Irene na nakilala ko. Yung sweet at malambing. Masaya ako na bumalik na sya dati. Masaya ako na malaman na mahal nya pala talaga ako at mahal pa din nya ako.

"Sweet," I giggled. "Ako na ang magdadrive. Baka pagod ka eh." sabi ko naman at nagpalit kami ng pwesto.

Pinaandar ko na ang kotse. Pasalamat na nga lang ako dahil hindi na kami napansin ng mga tao at matiwasay kami na nakalabas.

Habang nagdadrive ako, napatingin ako kay Irene, napangiti ako ng makitang mahimbing syang natutulog habang nakasandal sa bintana.

"Seulgi.. namiss talaga kita." mahinang sabi nya na animo'y nananaginip.

Napangiti naman ako at tinuon na sa daan ang atensyon ko.

Namiss din kita Irene. Sobrang namiss kita.

**

parallel lines // seulreneWhere stories live. Discover now