15

809 29 0
                                    

"W-wait," parang naputol ang litid ko ng makita ko si Irene. Lalo talaga syang gumanda. Lalo na at nakangiti sya sa mga taong nagpapapicture at nagpapaautograph sa kanya.

Sa isang buwan, sumikat na talaga sya. Hindi na naman ako magtataka, sa ganda ba naman nyang yan, hindi sya sisikat?

"S-si Irene nga.. a-anong gagawin ko?" kinakabahang tanong ko.

"Relax, unnie. Hindi ka naman bibitayin or what. Just sit and relax, okay? Act cool. Kunwari, nakamove on ka na talaga." sabi ni Joy kaya huminga ako ng malalim.

Tama. Hindi ka na dapat magpaapekto. Ipakita mo na nakamove on ka na.

"Okay, okay." huminga ulit ako ng malalim. Pag nakita nya kami, aarte nalang ako. Kaya ko to.

Para san pa ang pagwoworkshop ko nung bata ako, diba?

"Seulgi? Joy?" ito na nga, nakacap si Irene ng malinugunan ko ulit sya. Malamang, kailangan na nyang magtago pero nakilala pa din sya ng mga tao. Buti nga at hindi na sya nasundan dahil hinarangan na ng mga body guards ang pinagkakainan namin.

"Hey, Irene unnie. Long time no talk ha, sikat ka na talaga." nakangiting sabi ni Joy sa kanya.

Ngumiti naman si Irene at napatingin sa akin. Kitang kita ko ang longing sa mga mata nya. Pero.. bakit? Namiss ba nya ako? Aish, hindi naman siguro. Bakit naman nya ako mamimiss?

"Oo nga e. Hindi naman ako sikat." sagot ni Irene kay Joy pero sa akin sya nakatingin.

Nailang naman ako kaya napaiwas ako ng tingin.

Namumula ang buong mukha ko, nararamdaman ko.

***

parallel lines // seulreneWhere stories live. Discover now