35

633 17 4
                                    

Masaya ako habang papunta sa bahay namin. Sana lang talaga mapapayag ko na ang aking ina na tanggapin kami ni Irene. Hindi kasi ako mapapanatag kung hindi nya kami matatanggap. Kahit na ganyan sya, ina ko pa rin sya.

"Ma.." sabi ko sa kanya, napatingin naman sya sa akin. Ngumiti ako ng kaunti sa kanya.

"Ma, gusto kong malaman mo na mahal na mahal ko talaga si Irene." hinawakan ko ang kamay ni mama. Nakita ko ang kalungkutan sa mga mata nya. "Kaya pasensya na kung sinusuway ko kayo. Pero a-ayokong pakawalan sya. H-hindi ko kaya." yumuko ako ng kaunti, "kahit na anong mangyari, mamahalin ko pa din sya. Gusto ko lang, gusto ko lang na malaman nyong kahit pinili ko sya, mahal ko pa din kayo. At nahihirapan ako knowing na hindi nyo kami tanggap. Kaya sana, ma, please.."

Ngumiti sya at hinawakan ang mukha ko, "napakaganda mo talaga, anak." nakangiting sabi nya sa akin. "Kaya hindi ako makapaniwalang sa maganda ka din babagsak," tumawa pa sya ng kaunti kaya natawa na din ako. "Nung una, hindi ko matanggap. Pero nakita kong mahal nyo talaga ang isa't isa.. sino ba naman ako para tumutol pa?" she smiled at me.

Napangiti ako, naluluha na ako. "T-tinatanggap nyo na kami, mama?"

Tumango sya sa akin habang nakangiti. "Sorry kung naging makitid ang utak ko, anak."

"S-salamat po." naiiyak na sabi ko at niyakap sya, niyakap din nya ako pabalik at kumalas naman agad ako at tinignan sya. "Ma, gusto ko po sanang hingin ang basbas nyo." lumunok ako at nakita kong nakangiti lang sya sa akin, "gusto ko pong pakasalan si Irene."

--

guys. pakiadd nga pala ako sa dummy account ko. nagdeactivate ako sa real acc ko. 😂😂

 😂😂

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

yan. add nyo nalang ako.😂😂

parallel lines // seulreneWhere stories live. Discover now