21

786 25 0
                                    

"Irene, gumising ka na.." mahinang sabi ko habang marahang tinatapik ang pisngi nya.

Nandito kami sa dati naming bahay. Magka live in kasi kami ni Irene noon, diba? E, nung naghiwalay kami, hindi na din ako bumalik dito dahil nagmomove on nga ako. Naaalala ko lang sya pag nakikita ko ang bahay na ito.

Pero ngayon.. ngayong nasa akin na ulit sya, ngayong nasa tabi ko ulit sya, dinala ko sya dito. Gusto kong mamuhay ulit kami ng mapayapa.

Napatawad ko na naman sya. Matagal ko na syang napatawad. Lalo na ngayon at alam ko na ang dahilan nya.

Wala ng dahilan para pakawalan ko ulit sya.

Ipaglalaban ko sya.

Parang bata naman sya na nagising at napatingin sa akin, maya maya ay napangiti sya. "Hi, babe."

Namula ako sa tinawag nya sa akin. Matagal na din kasi simula ng tawagin nya ako ng ganyan. Naging cold nga kasi sya sa akin, diba?

Pero nakakatuwa lang. Kinikilig ako.

"Nandito na tayo.. sa bahay natin." nakangiting sabi ko kaya naman napatingin sya sa paligid.

Awtomatiko syang napangiti ng makita ang bahay namin dati.

"Namiss ko ang bahay na ito." mahinang sabi nya.

Napabuntong hininga ako. Ako din naman. Itong bahay kasi na to ang saksi sa pagmamahalan namin, sa mga away namin, sa mga pagiyak ko. Malaking parte na ng buhay namin ang bahay na ito dahil dito kami nakatira dati.

"Pero mas namiss kita.."

Napatingin sya sa akin ng sabihin ko iyon at napangiti.

Nagulat ako ng lumapit sya sa akin at halikan ako.

Napapikit nalang ako habang dinadama ang malambot nyang labi na matagal tagal na din ng huli kong mahalikan.

Finally, magiging masaya na ulit ako.

**

tatapusin ko na ang buhay nyo-- este, ang story na to huhu.

parallel lines // seulreneWhere stories live. Discover now