9

853 36 1
                                    

-

"Seulgi.." mahinang sabi ni Irene habang nakatingin sa mga mata ko.

Lumunok naman ako. Napakaliit nga naman ng mundo. Pilit na nga akong nagtatago sa kanila. Lagi ko pa din silang nakikita.

Si Irene at Taehyung.

At bakit ganyan makatingin sa akin si Irene? Parang miss na miss nya ako, pero alam naman naming dalawa na niloko at sinaktan nya lang ako.

Masakit pa din.

At sariwang sariwa pa din sa akin ang mga nakita ko nung gabing pumunta ako sa bahay ni Taehyung.

May nangyari sa kanila.

She cheated on me.

At naiinis ako dahil mahal na mahal ko pa din sya.

At... ang gusto ko lang gawin ngayon, mayakap sya. Pero wala na naman akong magagawa. Hindi na pwede.

"Oh, hi." sabi ko at kumaway pa. Sana lang hindi nila mapansin na nasasaktan pa din ako. Ayokong magmukhag kawawa sa harapan nila.

"Sinong kasama mo?" tanong ni Taehyung sa akin na para bang normal na magkaibigan lang kami. Yung para bang hindi nya inagaw sa akin ang girlfriend ko. I mean, ex girlfriend.

"Si..."
hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil may sumigaw.

"Hi, babe!"

napalingon ako at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Krystal.

Oh really, Soojung?

--

good evening haha.

parallel lines // seulreneWhere stories live. Discover now