Chapter 6

4.3K 102 20
                                    

Malubak ang daan papunta sa Baranggay Aplaya at kung hindi mahusay mag motor ang binata ay malamang sumemplang sila dahil sa mga bato-bato na nasa malubak at Baku-bakong daan. May ilang kabahayan silang na daanan, at kandahaba ang leeg ng mga tao, siguro dahil, bukod sa maiksi ang soot nya ay hubad baro pa ang yakap nyang binata, na talo pa si dare devil kung magpa takbo ng motorsiklo.

Aaminin nyang na aasiwa sya sa ayos nila, pero natatakot naman syang bumitiw dito kaya para syang tukong nakayakap sa matigas at malaking katawan nito. Mukhang he doesnt mind naman kasi hindi ito nag ku komento, kaya na nahimik na lang rin sya at nag patay malisya. At dahil sobrang lapit nila sa isat-isa ay hindi maiwasang hindi nya malanghap ang natural na amoy ng binata, she never held a baby in her arms, pero may palagay syang amoy baby ang binata, kagat labing sinaway nya ang sarili sa pag-iisip ng kung ano -ano, baka kasi maka halata si Mr. D.O.M, nakakahiya, isipin pa nitong type nya ito, pero ang tanong hindi nga ba?.

The ride took a while, kaya matagal-tagal rin syang nak yakap dito at lumuwag lang ang yakap nya sa binata nang sa wakas ay sumampa ang motorsiklo nito sa maayos na kalsada at bumungad sa paningin nya ang isang pamayanang may dikit-dikit na bahay na yari sa pawid at sawali. She can hear the sound of waves from the distance and she can smell the odor of drying fish, na nakita nyang nag hilera sa gilid ng daan, sa mga bilarang nasa harapan ng mga bahay-bahay.

The people are giving them curious stares at di nya maiwasang maasiwa, lalo na ng ihinto ng binata ang motorsiklo sa tabing daan at ipag tanong nito kung saan ang bahay ng kuya nya.

"Wala pa po yata diyan si Dok at sila poy umalis ni Nurse Alyana kanina at mag babakuna daw po sa Baranggay Maburol." Dinig nyang sabi ng Babae.

"Pero nadoon po ay sa gawing dulo ang bahay nila, iyon pong may dingding na kawayang barnisado at maraming tanim na malunggay sa harapan." Dagdag pa nito.

"Salamat ho." Anang binatang akmang pa tatakbuhin na sana ulit ang motor siklo ng...

"Ingat lang po kayo't matatapang po ang aso diyan sa kanila at na ngangagat ho ang mga iyon pag may pumasok at wala diyan iyong mag asawa." Pahabol nito, na pa lingon tuloy sa kanya ang binata, na ramdaman yata nitong na tense syang bigla. Takot kasi sya sa aso, maliit man o malaki, na matay kasi sa kagat ng aso ang kalaro nya noong bata pa sya, at dahil doon ay parang nagkaron sya ng trauma.

"Gusto mo pang tumuloy o gusto mong sundan natin sa kabilang Baranggay ang kuya mo?" Marahang tanong ng binata.

"W-wag na lang s-siguro, I- I uwi mo nalang ako. P- pero would you mind dropping me off sa likod bahay na lang?" Bakas ang lungkot sa tinig na sagot nya.

"Okay." Tipid na sabi ng binata saka muling binalingan ang babae at nag pasalamat bago muling ini ikot pa balik ang motorsiklo.

Fourty minutes later ay inihinto ng binata ang motorsiklo nito di kalayuan sa bakod sa likod bahay, dahan-dahan syang bumaba habang naka hawak sa balikat nito at pagka tapos ay...

"T-thank you sa lahat at sorry s- sa abala." Na hihiyang sabi nya.

"It's okay, next time mag iingat ka sa pag tawid sa bakod, and please don't run off wearing that kind of outfit." Anang binatang hinagod sya ng tingin, tinging may ibig ipakahulugan at nag bigay ng kakaibang kilabot sa katawan nya.

Kagat labing na pa tango sya at saka marahang tumalikod at umakmang hahakbang na palayo ng tawagin sya ng binata at pagharap nya ay bigla na lang syang kinabig sa baywang at walang babalang hinagkan sa napa awang sa gulat nyang mga labi. Di rin sya maka kilos sa gulat at di malaman ang gagawin na napa pikit sya, her lips unmoving, basta lang naka awang, habang ang mga labi naman ng binata ay marahang gumalaw sa ibabaw ng mga labi nya, tila ba ini engganyo syang tumugon, hanggang sa namalayan nya na lang na tumutugon sya sa mga halik nito, gumagaya sa galaw ng mga labi nito ang mga labi nya at tila na sasabik syang malaman kung ano pa ang kasunod na mangyayari, habang wala na syang ibang marinig kundi ang tibok ng puso nya at tibok ng puso ng binata.

I Love You Miss MaarteWhere stories live. Discover now