Chapter 32

3.5K 83 45
                                    

Makalipas ang ilang sandali ng maka alis si Gavin ay na numbalik rin sa normal ang kulay ng binata, pero na tuluyan itong mawalan ng malay, kaya ng dumating ang ambulansya ay isinugod parin ito ng mga kaibigan sa ospital. At dahil naman sa nangyari ay dinismiss na lang ng dalaga ang klase, di rin naman kasi sya maka pag concentrate kasi lahat naka tingin sa kanya at naiilang sya sa klase ng mga tinging ibinibigay ng lahat. Gusto nya sanang umuwi pero dahil may kasunod pa syang klase ay napilitan syang tumambay na lang muna sa pantry, may usapan rin  kasi sila ni Claire na mag kikita doon, pero mukhang hindi matutuloy ngayong araw ang lunch nila, mainit kasi ang ulo ni Gavin at mukhang hindi madadaan sa lambing nya.

Di pa sya na tatagalang nasa pantry ng pumasok ang grupo ni Liezel na mukhang mag sisipag tanghalian, hindi sya kumibo at nag iwas sya agad ng tingin. Inilabas nya ang cellphone nya at naisip nyang maglaro na lang ng games ng biglang...

"Liz! Katatawag lang ni Vince, isinugod daw nila sa ospital si Boss Enzo!" Sabi ng hangos na babae.

"Ha?! B-bakit daw? A-anong nangyari?!" Dinig na dinig nyang sabi ng nag aalalang si Liezel.

"Na allergy daw eh!" Sagot ng babae.

"Allergy saan, saka bakit ma a allergy eh diba may klase sila?" Si Liezel ulit.

"Ewan ko, Baka don sa teacher nila na allergy!" Sagot nong babae sabay tawa, nag tawanan Ang ibang kasama Nina Liezel, tapos..

"Bat di mo kaya puntahan ng malaman mo." Sabi naman ng isa pa.

"Saang ospital ba Trina ? Samahan mo na ko!" Si Liezel, narinig  nyang sa Manila doctors daw dinala sabi ng babaing tinawag na Trina.

Pagkarinig ni Liezel kung saang ospital isinugod ang binata ay agad itong  umalis ka buntot ang babae. Pero hindi pa na tataglan na naka alis ang dalawa ay naka rinig nanaman sya ng bulungan na mukhang hindi naman bulong dahil dinig nya.

"Ikaw Janelle di mo dadalawin si Capt. Enzo?" Tanong ng isa pang babae sa isang babae, na curious sya kung sino kaya pasimpleng tinignan nya para makita kung sino ito, at nakilala nya ng magsalita at sabihing.

"Naku hindi na, hahayaan ko na lang kay bruha, solohin nya sa ospital, sa condo ko na lang pupuntahan pag labas." Sabi nitong nag pa laki sa mga mata nya, no wonder mabigat ang loob nya sa babae, yon pala babae rin ni Enzo aniya sa sarili, nag kukukot ang loob na nag bawi sya ng tingin, pero nanatili syang naka upo at nakikinig sa usapan ng mga ito.

"Ay Naku wala namang silbi sakin kung naka ratay sya sa ospital, pag magaling na lang saka ko dadalawin para mas exciting diba?."Sabi pa nong babaing Janelle ang pangalan sabay hagikhik.

"Ang landi mo!" Humahagikhik ring sabi nong isang babae.

"Tikman mo kasi yong si Vince para malaman mo ang sinasabi ko sayo girl!" Si Janelle ulit.

"Yoko girl, baka kalbohin ako nong si Trina, buti nga di ka kinakalbo ni Liezel!" Sabi naman nong isa.

"Takot ka kay Trina? Naku ha! Subukan ng Liezel na yan na kalbohin ako, sisiguradohin kong manghihiram sya ng mukha sa aso, saka kung may dapat akong katakutan yong Adrianna yon, hindi si Liezel!" Mayabang na sabi ni Janelle, na pa taas tuloy ng kilay si Adrie

"Bilib din ako sayo, habang nag do do kayo ibang pangalan na ang isinigaw, todo ka pa din! Saka sino ba yong Adrianna na yon? Yon bang bagong teacher?" Dinig nyang sabi ng kausap ni Janelle na ewan nya kung ikatutuwa nya o ano.

"Oo, Adrianna yong pangalan nong bagong Teacher, pero ewan ko kung yon na nga yon! In fairness maganda at fashionista, pero for sure walang latoy sa kama yon ang lamya eh," Si Janelle ulit. Na pa kagat labi sya sa pag pipigil na tumayo at lapitan sa mesa ang dalawang malanding babae. Humagikhik ulit ang dalawa saka.

I Love You Miss MaarteOù les histoires vivent. Découvrez maintenant