Chapter 20

3.9K 107 11
                                    

Akmang yayakap si Enzo sa katabi ng pag yakap nya walang katawang na bagsakan ang braso, kinapa nya ang kama pero tanging bakanteng espansyo ng kama ang na kapa nya. Antok na antok pa sya pero agad nyang idinilat ang mga mata ng hindi nya makapa sa tabi nya si Adrie, nanghahapdi ang mga mata nyang iginala ang paningin sa silid at napa kunot noo pa sya ng mapunang tila may mali sa silid. At nang ma realize nya kung ano iyon ay pabalikwas syang napa bangod at walang paki alam kung boxers brief lang ang soot nyang hangos na lumabas ng silid. At kahit alam nya na ay di nya pa din na pigil ang sarili na mag tanong.

"Ang ate Adrianna nyo asan?" Nagkatinginan muna ang mga pamangkin bago sumagot ang panganay ng ate Vera nya.

"U-umuwi na po yata sa mga lolo Ismael." Sagot ni Victoria, napa kunot noo sya sa sagot nito.

"Yata? Anong ibig mong sabihing yata? Hindi ba sya nag pa alam sa inyo? M-may sumundo ba?" Sunod-sunod na tanong nya.

"A-ano po, h-hindi ko na po na gisnan si Ate, pero pinakuha lang po kay ate Loida yong mga gamit nya." Sagot ni Victoria

"L-Loida? S-sinong Loida?!" Iritable na ang tonong tanong nya.

"Ay yong tindera po nila sa grocery sa bayan." Nag kakamot ng ulong sagot ulit ni Victoria.

"Bakit daw pina Kuha?" Napa suklay ang mga daliri sa buhok na tanong nya.

"Ay awan po, b-baka po n-na galit at hindi kayo nag pa alam kahapon." Ani Vicky

"Ay baka nga po at hindi pati iyon kumain ng tanghalian at gabihan kahapon." Sabi naman ni Junjun.

"Sino? Si ate Adrianna? Ay malamang ay malapit na sa Real at kanina pa umalis ang Island mission ay mabilis iyong bangkang iyon." Biglang sabat ng ka susulpot na si Vic, na pa mura sya ng malakas pagka rinig sa sinabi ng pamangkin saka..

"Bat di nyo ako ginising?!" Malakas ang boses na bulyaw nya sa mga pamangkin na panabay na nagka tinginan saka...

"Ay ginigising ka po ng mama kaninang umaga at tumakbo pa labas ng bahay si ate Adrianna ay naiyak pero hindi ka naman po magising-gising." Si Vic ulit

"Umiiyak?! Bakit iiyak si Adrianna, galing nanaman ba dito yong kuya nya?" Kunot noong tanong nya, wala naman kasi syang alam na dahilan para umiiyak na mag tatakbo palabas ng bahay si Adrianna and worse dahilan para bigla itong mag alsa balutan.

"Ay awan po, basta na la ang tumakbo, tapos hindi na nag balik at pag punta ko kanina sa may aplaya'y sakay na ng Island Mission." Ani Vic na ang tinutukoy ay ang bangka ng mga Zaragoza na gamit ng munisipyo at nang klinika bilang ambulansya.

Naihilamos ng binata sa mukha ang mga palad saka na guguluhang pumunta sa silid at at parang pinag sakluban ng langit at lupang na nalungko sa kama, sinisisi ang sarili dahil sinadya nyang uminom ng high dosage ng pampatulog para mahimbing syang makatulog at di sya magising agad pag liwanag, madali kasi syang magising kapag sikat na ang araw sa labas. Dahil nga puyat sya at pagod naisip nyang mag take ng pampatulog, para mabawi nya ang puyat at pagod, bukod sa kailangan nyang ipahinga ang mata nyang na maga dahil sa suntok ni Doc Gabriel.

Na piga nya na ang utak nya sa kaiisip kung bakit bigla na lang umalis ang dalaga ng walang paalam at kung bakit umiiyak ito, pero wala parin syang mahagilap na sagot. Na iiritang napa sabunot sya sa buhok at saktong napa yuko sya ng mahagip ng paningin nya ang puting polo nya sa sahig, natitigilang napa kunot noo sya, ang alam nya kasi isinabit nya ito sa dulo ng headboard kaninang madaling araw, pano to na punta sa sahig? Dinampot nya ang polo nya at lalo pa syang napa kunot noo ng makita ang mapulang marka sa gawing dibdib, markang hugis labi na bahagyang kumalat at pumutla na ang kulay. Nang maisip nya kung ano ang indikasyon noon kay Adrianna ay malakas syang na pa mura at naibato sa dingding ang polo saka puno ng pagmamadaling dinampot ang pantalon nyang nasa sahig sa ulunan ng kama at agad iyong isinoot saka hangos na lumabas ng silid para lang mapa hinto ng mabungaran nya sa sala si Sanjo.

"Totoo nga pala ang balitang iniwan ka na ng apo ni Zaragoza!" Naka ngising bungad nito, tinignan nya ng masama ang pamangkin na ngumisi pang lalo saka...

"Swerte mo talaga sa babae laging iniiwanan ka, kung sabagay ano naman ngang hahabulin nila sayo eh bukod sa matanda ka na wala ka pang binatbat sa kama, puro laki ka lang naman daw sabi ni Isabel, sayang lang ikaw ang unang naka tikim sa kanya, pero okay lang pag ako ang natikman nya gaya ni Isabel, titirik ang mata nya sa sarap!" Nag dilim ang paningin nya at walang sabi-sabing inundayan nya sa mukha ng suntok ang pamangking ni hindi nagawang umilag, hindi pa sya nasiyahan at sinundan nya pa ng isa pa at isa pa at kung ilang sunod pa at kung hindi pa sila na datnan ng ate Vera nya ay wala syang balak tigilan ang lamog na lamog na ang mukhang si Sanjo na tinakasan na ng ulirat.

Hingal na hingal sya nang tumigil at hindi pa nasiyahan at binigyan nya pa ito ng tadyak bago nya tuluyang nilubayan. Tarantang taranta ang ate Vera nya na marahil inakalang na patay nya na ang pamangkin kaya nag sisigaw ito sa takot. Maging ang nakakabatang pamangkin ay nag iiyak na, tanging si Victoria ang na tarantang tumakbo para humingi ng saklolo para may tumawag sa Doktor, habang sya ay sapo ang ulong na pa upo sa isa sa mga sofa sa salas. Dahil sa pag dagsa ng dumalo at nag o osyosong mga kapitbahay ay naka rating agad sa kuya Sancho nya ang nangyari at panabay ng doktor na dumating ito at imbes na unahing tignan ang anak ay sya ang sinugod at inundayan ng sunod-sunod ring suntok. Ni hindi sya lumaban at nanatiling naka upo at sinalag lang ng sinalag ng mga braso ang suntok ng kapatid.

"Sige! Sige! Magpatayan kayo! Magpatayan kayo dito sa pamamahay ko!" Sigaw ni Vera

"Hindi na kayo nahiya, katatanda nyo na talo nyo pang umasal ang mga bata!" Litanya pa nitong nagpa hinto sa panununtok ng kuya nila at saka sya dinuro-duro.

"Iyan! Iyang tarantadong yan, papatayin ang anak ko nang dahil lang sa babae!" Duro ng kuya Sancho nya.

"Wag mo akong duduro-duruin kuya at baka hindi kita matantya tumimbuwang ka sa kina tatayuan mo!" Galit na sagot nya sabay tayo.

"Abat! ano?! Lalaban ka? Lalaban ka na sa ak....."

"Tumigil ka na kuya! At ikaw naman Alonzo matuto kang gumalang sa mas matanda sayo!" Hiyaw ni Vera na pumutol sa sasabihin ng kuya nila.

"Huwag ako ang pagsabihan mo ate, yang magaling mong kapatid at yang putang*nang anak nyang puro satsat ang pag sabihan mo at baka pareho silang hindi ko matantya!" Aniya saka tumalikod at lumabas ng bahay at hubad barong sumakay sa motorsiklo nya at mabilis iyong pinatakbo.

Samantala pagkadaong na pagkadaong ay agad bumaba ng Bangka ang dalaga at sumakay sa nag hihintay sa kanyang puting van, pagod na syang umiyak at pagod na syang mag isip, puro pag-iyak na lang kasi ang ginawa nya sa nag daang linggo at sa nag daang mga oras ngayong araw. Nagka-usap na sila ng mama nya at nang kuya Gabriel nya, bukod sa pakikipag usap nya kay Ismael Zaragoza na takang taka sa kagustohan nyang umalis ng isla pero hindi naman sya pinigilan sa naging pasya nya at sa halip na pigilan sya ay sinabi nitong mula sa oras na iyon ay hahayaan sya nitong mag pasya para sa sarili, sa buhay man o sa usaping puso, saka ipinahanda ang bangka at inihatid sya sa aplaya, at sinabing matapos ang halalan tatlong araw mula ngayon ay susunod sila ni Georgina sa Maynila kasama ng mag asawa ni dok Gabriel at sama-sama silang lalabas ng bansa para mag bakasyon bilang isang pamilya.

Buo ang pamilya nya at pagkatao pero wasak naman ang pusong tuluyan syang sumakay ng bangka at ni hindi na lumingon hanggang sa tuluyang matakpan ng mga alon ang isla at hindi na ito matanaw. Panay ang iyak nya hanggang sa matuyuan na sya ng luha, at pag daong nga ng bangka ay agad rin syang sumakay sa van at umalis, ni hindi nya nagawang mag paalam kay Noel na tahimik lang at halos di sya kinibo sa buong byahe.

Nang maka rating sya sa Maynila ay patang-pata ang pakiramdam na nagbabad sya sa bath tub at matapos ay talo pa ang celebrity na nag disguise matapos maligo, ayaw nya kasing may maka kita sa kanyang ka kilala pag labas nya, nag punta sya sa Rustans ang pinakamalapit na Supermarket. What she needs right now are tubs and tubs of her favorite ice cream. Matapos kumuha ng kung ilang flavors ay sitserya naman ang pinuntirya nya saka sya nag bayad at umuwi. Saka parang sirang nanood ng comedy movies kahit hindi naman sya natatawa at kumain ng kumain hanggang sa kusang sumuko ang tiyan nya at makatulog sya sa panonood.

Kinabukasan inabala nya ang sarili sa pag lilinis ng bahay at nang matapos ay repeat nang nagdaang gabi lang ang ginawa nya. The next day ay sya na ang sumuko sa klase ng buhay nya kaya out of impulse ay nag book sya nang ticket at lumipad pa Dubai, maybe the sand dunes, the camels and the exotic emirates is all she need to heal her broken heart. 

I Love You Miss MaarteWhere stories live. Discover now