Chapter 11

4.1K 114 14
                                    

Sinadya nang dalagang bagalan ang pagliligpit ng pinagkainan, kahit kasi sabihing sa sahig matutulog ang binata ay na loloka syang isipin na mag sasama sila sa iisang silid. Idagdag pang parang tinatambol ang dibdib nya sa lakas ng tibok ng puso nya, kapag nasa malapit ang binata. At ayaw nya mang aminin pero kinikilig sya sa klase ng pag aasekasong ibinibigay nito sa kanya, na para bang kaswal na kaswal at natural na natural. Bago sa kanya ang ganitong damdamin at na hihirapan syang pakibagayan ang nararamdaman nya. Hindi sila nag uusap pero ramdam nya ang mga mata ng binatang nag mamasid sa kanya at na ko conscious sya. Saktong natapos syang mag ligpit ay sya ring pasok ng ate Vera ng binata sa kusina at ito ang bumasag sa katahimikan.

"Ah ah! Ay pasensya nat ikaw na pati ang naghugas ng mga iyan." Anito.

"P-po? I-it's okay lang po." Aniyang nag kibit balikat.

"Okay bay bisita ka dito." Ani Vera

"I-it's okay lang po talaga." Nahihiyang giit nya.

"Hala na, tama na iyan, naka handa na ang kwarto ninyo, uy Alonzo! matulog na kayo at siguradong bukas ay mahaba-haba ang araw." Ani Vera bago, kinuha sa kanya ang basahang ginagamit nya sa pagtutuyo ng lababo.

"S-sige po thank you sa dinner at goodnight po." Aniyang bahagyang sinulyapan ang binatang marahang tumayo mula sa pag kaka upo at walang kibong nagpatiuna sa pag labas ng kusina.

"Goodnight din, hala lakad na." Tuluyang pagtataboy sa kanya ni Vera. Nang sundan nya si Enzo ay na abutan nya itong binubuhat ang gamit nya, habang tumawa ito sa kung anong sinabi ng tito Victor nya.

"G-good night po tito Victor." Nahihiyang sabi nya.

"Eh eh, dapat palay lagi mo akong tinatawag ano nene? At pag ikaw ang nabigkas ng pangalan koy maganda ang tunog." Anitong maluwang ang ngiti, marahan din syang Napa pa ngiti.

"Hala sige, goodnight din sainyo, wag masyadong maingay ano? At akoy maaga ang gising bukas." Ani Victor ulit.

"H-ha? Maingay po? Why?" Naguguluhang tanong niya.

"Wala! Wala yon wag mo ng pansinin si kuya nag bibiro lang yan." Agaw ni Enzo ng hindi nya ma gets kung anong ibig sabihin ni Victor sa wag maingay, saka sya inayang pumasok sa silid. Nauna ang binatang mag lakad at nini nerbyos na sumunod sya dito.

Nang buksan nito ang pinto ay bumungad sa kanya ang isang  di kalakhang silid pero katulad ng kabahayan at ng banyo ay malinis na malinis. Walang masyadong gamit sa kwarto maliban sa aparador at sa vanity table, saka ang kamang di kalakhan na may kulay puti at guhitan ng pink na kubre kama, naka tiklop sa ibabaw ng may kulay pink na pinsang unan ang isang puting kumot.

"Sorry, it's the best we could offer." Anang binata pag pasok nya.

"I-it's okay, I'm not ma arte naman." Sagot nyang bahagyang nag pa taas ng kilay ng binata saka tila na a amuse na tumingin sa kanya.

"What?!" Naka ngusong tanong nya kasi feeling nya pinagtatawanan sya ng binata sa klase ng tingin nito sa kanya.

"Wala, may nakalimutan lang ako sa kabilang bahay kaya iiwan muna kita dito, may kukunin lang ako." Sagot ni Enzo saka tumalikod at iniwan ang dalaga.

Pagka alis ng binata ay inilock ni Adrie ang pinto at inihiga sa sahig ang luggage nya, at binuksan iyon, kailangan nyang maka pag palit ng pantulog bago bumalik ang binata. Nag kalkal sya sa loob pero  sa malas wala ni isa syang pajamang dala at tanging spaghetti strapped sando lang ang pwede nyang ipan tulog at maiksing cotton shorts. Masyadong mahina ang aircon sa kwarto at later daw ay fan na lang, sanay sya sa full blast ang lamig. Pero dahil wala syang choice tonight ay naisip nya na lang na maligo para kahit pano mabawasan ang init at makatulog sya later ng maayos.

I Love You Miss MaarteWhere stories live. Discover now