Chapter 28

3.7K 87 29
                                    

"P-please take a sit Mister if you are in this class, if not please go, you're disturbing us." Anang dalagang pilit pina tatag ang tinig, kasabay ng pag talikod. Kinagat nya ang pang ibabang labi at ikinuyom nya ang mga palad at pilit pinipigil ang panlalabo ng paningin nya dahil sa nag babantang pag tulo ng mga luha at panginginig ng mga tuhod. Saka maka ilang ulit na huminga para lumuwag ang pakiramdam ng naninikip na dibdib, saka naka yuko at pa simpleng inabot ang moto bag nya at....

"Entschuldigen sie mich für ein bisschen, ich bin gleich weider da." Aniya na ibig sabihin ay excuse me for a minute, i'll be right back. Saka walang lingon likod na tumalilis bitbit ang bag nya, lakad takbo syang nag punta sa restroom at nag kulong sa isang cubicle saka doon pinawalan ang mga luha niya at paulit-ulit na sinisi ang sarili kung bakit nya tinanggap ang alok ni Madame Hernàndez, at nang mahimas masan ay agad pinalis ang mga luha at binigkas ang...

"I'm done crying, I'm over you!" Mga katagang naging mantra nya sa nag daang dalawang buwan, mula ng mag hiwalay sila ng binata.

Daang beses nyang binigkas ang mga katagang iyon at nang tantya nya ay kaya nya na saka sya lumabas. Bahagya syang na gulat pag labas nya dahil hindi na sya nag iisa, may isa ng babaing nasa may salamin ay ewan nya kahit ngumiti ito, pero parang mabigat ang loob nya sa babae kaya she did not smile back, instead, dineadma nya ito at nag hugas sya ng mga kamay at nag re apply ng make up, at nag dagdag ng konting blush on at bahagyang lipstick para takpan ang pamumutla nya saka, hinagilap nya sa bag nya ang faux eye glasses nya at isinoot, saka walang lingon likod na iniwan ang babaing matama syang ping mamasdan, hanggang sa maka labas sya ng restroom. Maka ilang ulit syang huminga ng malalim bago sya taas noong pumasok ulit sa silid aralan at..

"Es tut mer leid für die, verzögerung jetzt sollen wir anfangen?" Nang hindi sumagot ang klase ay ..

"Shall we start?" Ulit nya sa sinabi, nang mag si sagot ang mga ito ay saka nya inumpisahang i discuss ang isinulat nya sa white board, it was a basic conversational German language for sailors and proper pronunciation, which will help them survive when they reach their port of call, which is Germany.

Habang nag di discuss ay pinaka iwasan nyang iginala ang paningin, natatakot, kasi syang alamin kung nasa klase nya ang binata, dahil may pakiramdam syang tuluyang guguho ang kakapiranggot na lakas ng loob na inipon nya sa rest room kapag nakita nya ulit ito ngayon. Ang kaso nahihirapan syang mag concentrate dahil pakiramdam nya may nag mamasid sa kilos nya, tuloy na iilang syang mag salita.

Nang matapos syang mag discuss ay pinasabay nya ang lahat sa pag bigkas ng mga salita at mga sentences na nakasulat sa board, pero di sinasadyang pag tingin nya sa may likurang bahagi ng klase ay nahagip nya ang grupong matamang naka tingin sa kanya, particular na sa isang taong madilim ang mukha tila galit na naka tingin sa kanya, puzzled na agad syang nag bawi ng tingin at pilit binaliwala ang presenya nito.

Pilit nyang kinalma ang sarili at muling ibinalik as pag tuturo ang konsentrasyon kahit na sadyang mahirap gawin, at pinilit syang umaktong professional kahit sa totoo lang gusto nyang tumakbo at huwag ng bumalik pa sa classroom na ito at nang sa wakas matapos ang first set nya ng klase ay naka hinga sya ng maluwag, she placed some papers on the desk and told them to pick up one each and study what's on the paper for their next session, two hours from now, saka may pag mamadali sa kilos na sinamsam nya ang mga gamit nya at mabilis syang lumabas ng silid at kung wala lang naka sunod sa kanyang mga marino, malamang kumaripas sya ng takbo.

Samantala halo-halong damdamin ang nararamdaman ni Enzo pagka kita kay Adrie na hindi nya inaasahang makikita, pero na naig ang galit nya ng talikuran sya nito at mag kunwari itong hindi sya kilala, she even called him "mister" na animoy noon lang sya nito na kita. Nag ngingit ang loob na pumasok sya ng silid at na upo sa tabi ng mga kaibigan na lahat sa kanya naka tingin. Nginisihan nya ang mga ito at nag kuyari syang baliwala lang ang nangyari, pero tulad ng mga ito ay nagulat sya ng magpaalam na aalis ang dalaga. Gusto nya itong sundan at komprontahin pero pinigil nya ang sarili, what for? Eh tapos na sila, tinapos na nito ang lahat.

I Love You Miss MaarteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon