Chapter 21

3.7K 94 14
                                    

Sa bahay ng mga Zaragoza na padpad ang binata nang araw na walang dereksyon nyang pinasibad ang motorsiklo nya, at nang harapin sya ni Ismael ay di nito malaman kung matatawa sa ayos nya, bukod kasi sa na ngingitim ang isang mata nya at hubad baro sya ay magulo ang buhok nya at naka paa ng sumulpot sya sa malaking bahay. Sa huli ay tinitigan sya ng tuwid ng matanda na animoy binabasa nito ang pagkatao't kaluluwa nya saka walang imik na senenyasan syang maupo at pagkatapos ay tinawag nito ang matandang ka waksi at nag pa labas ng dalawang tasang kape saka naupo sa silyang tumba-tumba at..

"Hanga ako sa lakas ng loob mong tumapak sa pamamahay ko matapos mong paiyakin ng ganoon na lamang ang bunso ko Alonzo." Anitong hindi ina alis ang tingin sa kanya.

"H-hindi ko..." Hindi nya na tapos ang sasabihin nya dahil itinaas ng matanda ang kamay na tila ba sinasabing manahimik sya kaya awtomatikong na pa hinto sya sa pag sasalita at tumingin ng tuwid sa matanda.

"Alam mo ba? Nang isilang sa mundo si Adrianna, sinabi ko sa sarili kong hinding-hindi ko sya hahayaang masaktan, pero nang dahil sa akin at sa tarantadong kapatid at pamangkin mo, kahit labag sa loob ko na saktan ko sya at bilang ama doble ang sakit noon sa akin, pero wala akong mapag pilian, dahil kung hindi ko sya sasaktan si Georgina ang masasaktan, mapapahiya sa mga tao at hindi ko kayang makitang na sasaktan nanaman syang muli, kaya kahit na mali, kahit kaligayahan ng anak ko ang kapalit, kung para sa ina nya pikit mata kong ini alok ang pinaka mamahal kong anak sa walang bayag at walang paninindigan mong pamangkin, bagay na alam kong pagsisisihan ko hanggang hukay." Matiim ang ekspresyon at madilim ang mukhang sabi ng matanda, saka...

"Pero ng dumating ka, nabuhayan ako ng loob dahil kahit hindi maganda ang mga balibalitang naririnig ko sayo tungkol sa babae, hanga ako sa dedikasyon mong magkaroon ng sariling buhay hiwalay sa iyong ama, at bukod doon minsan ko rin namang na saksihan kong paano mo minahal ang anak ni Isko na si Isabel, dangan nga lang hindi sya marunong mag hintay, madaling madala sa matatamis na salita at pangako, pangakong hanggang salita lang kaya nasaan sya ngayon hindi ba at nag hihirap? Pero mabalik ako sayo, ayoko sanang sabihin, pero umasa akong tulad ng anak ko ay tama ang pagpili nya sayo, pero ano ito? Sinaktan mo ang anak ko, hindi na kailangang sabihin pero gusto kong malaman mong nadismaya ako saiyo hijo." Derekta at walang kangiti-ngiting sabi ng matanda, at sa klase ng titig na ibinibigay nito sa kanya ngayon ay unti-unti syang kinakabahan kaya di nya makuhang mag salita kahit gustong-gusto nyang ipaliwanag ang side nya, kung ano bang tunay na nangyari at bakit may marka ng lipstick ang polo nya, na marahil dahilan kaya nag alsa balutan si Adrianna, akmang mag sasalita na sya ng pigilin sya ng pag sasalita ng matanda.

"Dismayado ako sayo, pero gayon pa man, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon para muling mapaamo at makuha ang anak ko, pero ipangako mo sa akin hinding-hindi mo sa saktan ang anak ko, dahil oras na masaktan sya sinisiguro ko sayo, matitikman mo ang tunay na lupit ng isang Zaragoza." Speechless sya pagka rinig sa sinabi ng matanda at kung hindi pa ito tumikhim hindi nya makukuhang mag salita.

"Pangako po hinding-hindi masasaktan sakin si Adrianna at kung sakaling umiyak sya dahil sa akin, titiyakin kong hindi ko yon sadya, sumpa ko yan sa inyo mang Ismael." Aniyang tuwid na nakatingin sa matanda.

"Kung ganoon, panghahawakan ko ang pangako mo, at bukod dyan gusto ko sanang hilingin saiyo na kung maari sa nalalapit na hinaharap, dito kayo sa Isla bumuo ng pamilya, matanda na ako at gusto ko na ngayong alam nya nang ako ang kanyang ama ay makapiling ko sya at makabawi ako sa kanya sa lahat ng kasalanan ko, at para maiparamdam ko rin kung gaano ko sya ka mahal." Ni hindi ngumiting sabi ni Ismael.

"Po?! A-ano po..."

"Anong ano po? Huwag mong sasabihing ayaw mong pakasalan ang anak ko?!" Parang kulog ang tinig na agaw ni Ismael sa sasabihin nya sana, bahagya pa nga itong napa angat mula sa pag kakasandig sa sandalan ng tumba-tumba.

"P-po? Ano po a-ang ibig ko pong sabihin, hindi ko po mai ipangako sa inyo na dito kami bubuo ng pamilya, kailangan ko pa po makuha ang opinyon ng anak nyo sa bagay na yan." Tarantang paliwanag nya, na pa iling si Ismael saka..

"Ha! Hindi pa man pero mukhang magiging mabuti kang asawa sa anak ko, pero mukhang hindi ka magiging mabuting manugang!" Naiiling pa ring sabi ni Ismael.

"P-pasensya na ho, pero kung saan po gusto ni Adrianna doon po ako, pero welcome naman po kayo sa amin kung sakali." Aniya sa tonong humihingi ng despensa at ngungumbinsi.

"Aba'y dapat Lang! Dahil kung hindi ngayon pa lang ay babawiin ko na ang pag payag ko saiyong maging asawa ng anak ko sa hinaharap!" Na ninindak ang tinig na sabi ng matanda.

"Kahit sa amin pa ho kayo tumira." Mabilis na sabi nya at sa unang pagkakataon ngumiti sa kanya ang matanda.

"Magaling! Ganyan nga!" Naka ngising sabi ni Ismael saka...

"Bueno hijo, sa ngayon wala na tayong pag uusapan, umuwi ka sa inyo at ayusin mo yang hitsura mo, mukha kang hinugot sa pwet ng kabayo." Sabi pa nito na ikinumpas pa ang kamay at para syang asong binubugaw palayo, na iiling na pasimple nyang tinignan ang sarili, at gusto nyang mapa mura sa itsura, hubad baro, yapak, at ang pantalon nya naka bukas ang butones at malamang nangingitim ang mukha nya sa tumutubong balbas, idagdag pa ang na ngingitim nyang kaliwang mata.

"Pasensya na h..."

"Sige na, sige na, paki sabihan nga pala si Pareng Fonso na pumunta dito at mag-iinom kami." Agaw nito sa sasabihin nya, Napa tango tango sya at akmang tatayo na ng ma alala nyang kailangan nya ang address ng dalaga sa Maynila at nang tanungin nya ang matanda ay sandaling bumakas ang pagtataka sa mukha nito, saka...

"Mukhang tama nga ang sapantaha ni Gabriel, wala nga kayong relasyon ng anak ko, pero sa loob ng san linggo nyong pagtulog sa isang silid ipapuputol ko ang mga paa ko kung hindi mo pa pinakialaman ang anak ko sa ganda nyang iyon." Anitong sinipat syang mabuti, na pa yuko sya dahil naka dama sya ng bahagyang hiya.

"Sabi ko na! Sana nama'y sinagad mo na at nasasabik na akong magkaron ng apo, ewan ko ba Dyan kay Gabriel masyadong mabagal!" Sabi pa ng matanda bago ibinigay sa kanya ang address sa Maynila. Agad syang nag pasalamat at inilahad ang kamay sa matanda na malugod naman iyong tinanggap. Matapos ay parang may pakpak ang mga paa nyang lumabas ng bahay at sumakay sa motorsiklo nya, habang nasa daan ay iniisip nya ang gagawing pag sunod at panunuyo sa dalaga.

Ang kaso dahil nga eleksyon, ng akmang aalis sya ay hindi sya pinayagan ng tatay at mga kapatid nyang umalis, patapusin nya daw muna ang eleksyon para isang pamilya silang maka boto. Kahit ayaw nya ay napilitan syang pumayag kahit dahil nga sa pesteng eleksyon na yan kung kaya sya nilayasan ng dalaga. Nang umagang umalis kaso sya ay umarkila sya ng bangka pa punta sa kabayanan para maka pag withdraw ng malaking perang gagamitin sa huling araw ng kampanya.

At dahil nga habol nya ang bangko na mag sasara ng alas kwatro, hindi sya naka pag paalam sa dalaga, bukod doon nag bus lang sya patungo sa Lucena branch dahil di sya maka pag motor. Na delay sya ng na delay at na taong pagka galing nya sa bangko ay nag kita sila ng dating ka klase nyang hindi na marino kundi Serena na at sa tuwa nito ay niyakap sya at lipstick nito marahil ang nag marka sa polo nya, at mukhang dahilan ng pag a alsa balutan ni Adrianna. Marahil inisip nitong nambababae sya kaya sya maghapon at halos magdamag na wala.

(Sorry guys, bitin muna this, di ko natapos kagabi kasi magdamag may asthma ang anak ko, which is first time nangyari sa buhay nya at first time ko mag alaga ng batang may Asthma, I am asthmatic too, pero akala ko ako lang, it happens na pati anak ko pala meron din, I know how it feels to have the attack kaya di ako makatulog kagabi, knowing na nahihirapan sya huminga, she felt a little better this morning, as off now na nonood na ng Paw Patrols, pero we'll take her to a doctor this morning kasi im not sure if she's allowed to use my meds.)

I Love You Miss MaarteWhere stories live. Discover now