Chapter 12

4.3K 107 15
                                    

Ito na yata ang pinaka mahabang gabi sa buhay ni Enzo, dahil maka ilang ulit ng tumilaok ang mga tandang pero dilat parin ang mga mata nya, habang Si Adrie naman ay makailang ulit ng nag palit ng posisyon sa pagtulog, pa umaga na nga ay himbing na himbing pa ito. Ewan ng binata kung dahil sa paumaga na kaya mas buhay na buhay ang junior nya o sadyang kailangan nya na uling mag pa putok para pareho silang maka tulog, kaso paano nya gagawin kung hindi sya maka galaw dahil yakap sya ng dalaga at ang mismong hita nito ang naka dantay kay Junior?

Sa loob nga ng magdamag ay na subok yatang lahat ang pag pipigil nya, dahil  maging ang paghinga ay pigil na pigil nya. Pero mukhang di na sya tatagal dahil ng unti-unting gumalaw ang dalaga, ay tila tuksong humagod sa hubad nyang dibdib ang malambot nitong kamay at gumiyagis sa ibabaw ni Junior ang makinis nitong hita, kasabay ng pag daiti ng mapipintog nitong dibdib sa gawing ibaba ng balikat nya at sa malas ay nahigit ng paa nitong naka dantay sa binti nya ang kumot at nang sulyapan nya ay kitang-kita ng mga mata nya sa malamlam na liwanang ang mapuputi nitong dibdib na babahagya ng natakpan ng soot na pang itaas.

Hindi ito ang unang beses na naka kita sya ng dibdib ng babae pero ngayon lang yata sya pinagpawisan sa tindi ng pagpipigil na huwag lamutakin ang mga iyon ng mga kamay nya. Maka ilang ulit syang lihim na nagmura at pinilit alisin ang mga mata sa tanawing nag papa kulo ng dugo nya at gumagalit ng husto sa kay Junior, saka marahang hinila pa taas ang kumot at pilit nyang pinayapa ang sarali, sabay patong ng isang braso nya sa ibabaw ng mga mata at nag isip ng lahat ng bagay na walang kinalaman sa nararamdaman nya, pero sadyang parang tuksong nag lalaro sa balintataw nya ang imahe ng dalaga at masyadong gising na gising ang senses nya sa bawat galaw at pag hinga nito.

Frustrated na maka ilang ulit syang humiling na sana mag palit ng pwesto ang dalaga dahil may pakiramdam syang hindi na sya tatagal. At nang sa wakas ay ay dinggin ang hiling nya at tumalikod ng pwesto ang dalaga ay sing bilis ng kidlat syang bumalikwas ng bangon at nag mamadaling lumabas ng silid. He needs to be out of the room for his own sanity, dahil kung hindi mababaliw yata sya kapag hindi nya na paki alaman ang dalaga sa susunod na mga sandali ng pananatili nya doon. At tulad ng kagabi ay sa banyo sya dinala ng mga paa.

Matapos nyang magbawas ng karga at tiyaking walang bakas na naiwan ay parang pasan ang mundong Napa buntong hininga sya saka maka ilang ulit na nag hilamos. Kitang-kita nya sa salamin ang pamumula ng mga mata nya sa kawalan ng tulog, pero magkamatayan na kung magawa nya pang bumalik sa silid at mahiga sa tabi ng dalaga. At nang ipasya nyang lumabas ng banyo ay nabungaran nya ang bayaw nyang si Victor sa labas. Kunot noong sinipat sya nito saka marahang napa iling at...

"Parang hindi ka yata natulog sa magdamag." Komento nito na may bahid ng panunukso. Nagkibit balikat lang sya at di umimik saka tiyak ang hakbang ng mga paang nilagpasan ito at ni hindi binati ang ate Vera nyang nag liligpit ng hinigan na tuloy-tuloy syang pumunta sa kusina at lumabas ng bahay mula doon. What he need right now is a long run and a lungful of fresh air.

***

Sikat na ang araw sa labas ng magising ang diwa ng dalaga, pero di muna sya nag dilat ng mga mata, pinakiramdaman nya muna ang paligid at nang matiyak na nag iisa na sya sa silid ay saka lang dahan-dahang nag mulat ng mga mata. As she thought, wala na nga sa tabi nya ang binata, kaya naka hinga sya ng maluwag. Marahan syang bumangon at akmang aayusin nya ang kama ng bigla syang matigilan, the pillow she used looked familiar, pero hindi ba at lumubog na ito sa tubig? Para maka tiyak ay dinampot nya ang unan at sinuri, at nang matiyak na iyon nga ang unan nyang nahulog sa dagat ay naka ngiting niyakap nya iyon at inamoy-amoy. No wonder ang himbing ng tulog nya!

When she had enough of the pillow ay maayo nya iyong inilapag sa higaan saka isinunod ayusin ang kama, she liked we'll arrange bed and bed spreads, yong walang gusot-gusot. Nang matapos sya ay tila walang na tulog doon sa magdamag. After ng kama ay ang sarili naman nya ang kailangan nyang ayusin, sanay kasi syang maligo bago pa sya lumabas ng kwarto, pero dahil walang banyo sa silid ay bitbit ang mga gamit na lumabas sya para mag tungo sa banyo, saktong labas nya ay sya ring labas ni Vicky. Sandali silang nag usap saka sya tumuloy sa banyo at ginawa ang mga dapat nyang gawin.

I Love You Miss MaarteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon