Chapter 13

4.2K 106 16
                                    

Pakiramdam nya gusto nyang manapak kanina pagka rinig na buntis Si Adrianna, magdamag nyang tinorture ang sarili para huwag itong paki alaman, tapos yon pala buntis na. Pero ng nang mapatitig sya sa dalaga na tila na guguluhan din sa mga pangyayari ay bahagya syang kumalma and then he asked her to explain, and there he found out na isang malaking epic fail lang pala, wow mali ang lahat. Di nya tuloy malaman kung matatawa sya o maiinis sa nangyari. Pero one thing is for sure gusto nyang humiyaw at magtatalon sa tuwa ng marinig nya mula sa bibig ng hiyang-hiyang dalaga na Virgin pa daw ito.

"But not for long sweetheart!" Di mapigilang bulong nya sa sarili, saka pigil ang ngiting hinila nya ulit ito pa pasok sa bahay. Tumuloy sa kwarto ang dalaga na malamang nahihiya sa kanya sa pag babando nito sa kanya ng Virginity nito, habang sya ay walang pandidiring inubos ang tira nitong pagkain at idinaan sa pagkain ang panunukso ng mga kaharap sa mesa, he's damn too happy to bother correcting them, kaya hinayaan nyang mag isip ang mga ito kung tama ba ang sapantaha ng mga ito sa "pagbubuntis" ni Adrianna o hindi.

"Sarap ng ulam no tito?" Naka ngiting sabi ni Victoria, tumango lang sya at ipinag patuloy ang pagkain.

"Si ate Adrianna Ang nag luto nyan!" Sabi pa ng pamangkin, binigyan nya ito ng hindi na niniwalang tingin kaya...

"Diba lolo Si ate ang nag luto ng ulam?" Baling ng pamangkin sa tatay nyang tumingin sa kanya at tumango,

"Di mo alam na marunong mag luto si Ate? Di ka nya ipinag luluto sa Maynila?" Takang tanong ni Victoria.

"Hindi, sa labas kasi kami kumakain." Pag sisinungaling nya.

"Galing no? Hindi halatang mrunong mag luto pero masarap pala magluto." Si Victoria ulit.

"Ow ow nge  aete!" Si Becky, na pa tingin sya sa pamangkin at Napa kunot noo, bumungisngis naman si Victoria saka..

"Galing din mag speech lesson, maka pag paturo nga rin para pag pasok ko sa college sosyal ako." Sabi pa nito, na pa iling sya.

"Hu! Ay hindi bagay sa iyo ate ang ganay ang pag sasalita at sasabihin ay trying hard ka, kay Ate Adrianna'y bagay na bagay at pagka ganda ganda, ay ikaw ay tignan mo ang itsura mo't para kang aswang!" Nang aasar na sabi ni Junjun.

Hindi naman kasi totoong hindi maganda si Victoria, dahil tulad ni Adrianna ay dugong Zaragoza rin ito, idagdag pa ang dugo ng mga Mondragon, iyon nga lang angat ang ganda ni Adrianna dahil laking Maynila at syempre sosyal, sopistikada, hindi kagaya ni Victoria na laking probinsya at galawgaw, I dagdag pang laging parang lilipad ang mahabang buhok na ewan nya kung bakit di yata magawang suklayin ng pamangkin.

"Hoy! Kung mukhang aswang ako di mukha ka namang butiki!" Nandidilat ang matang balik ng dalaga sa kapatid.

"Tumigil na nga kayo at nasa harap kayo ng pagkain." Saway ni Victor sa mga anak.

"Maigi pa nga anak ay magpaturo ka kay ate Adrianna mong mag ayos, abay dalaga ka na, at yang buhok mo ay suklay suklayin mo rin naman pag may time." Ani Vera naman.

"Aba pag nag ayos iyan si Toryang ay baka magulat kayo." Anang tatay nila saka...

"Hayaan mo apo at pag kopra ko'y bibigyan kita ng pambili ng pamporma at pangpa ganda." Dagdag pa nito saka nginitian ang apo, paburito ng Tatay nila si Vicky sa lahat ng apo, ganon daw talaga kasi pag anak ng anak na babae, sigurado daw kasing apo at kadugo, kesa sa anak ng anak na lalaki na may pusibilidad daw na nasalisihan ng iba.

"Ay akow lolow?!' Si Becky.

"Bibigyan ka ni lolo ng pampa bunot ng mga bulok mong ngipin, kain ka ng kain ng chocolate!"Si Victoria ulit. Napa simangot tuloy ang bata.

I Love You Miss MaarteWhere stories live. Discover now