Chapter 14

4.3K 108 15
                                    

That afternoon na umalis sila ng binata ay wala naman silang tiyak na destinasyon, nag stroll lang talaga sila sakay ng motorsiklo nito pa ikot sa buong isla na sari-sari ang kalsada. May putikan, may mabato, may buhanginan, may malubak na mas malala pa sa dinaanan nila pa punta sa lugar kung saan naka tira ang kuya Gabriel nya. Sa buong buhay nya noon nya lang naranasang daanan ang lahat ng uri ng kalsada sa loob lang ng isang araw. At pag uwi nila pakiramdam nya hapong-hapo sya, kahit hindi naman sya nag lakad.

Hapong-hapo sya sa katitili na sabi ni Enzo mas malakas pa kesa sa tunog ng motorsiklo nito. Sa sobrang pagod nya rin, bagsak sya agad pagkatapos ng hapunan, ni hindi nya nga na malayan ng humiga sa tabi nya ang binata at yakapin sya ng mahigpit. Nagising na lang sya bandang alas singko siguro ng umaga na yakap nila ang isat-isa at may kung anong matigas na bagay na naka tukod sa bandang puson nya. Namilog ng husto ang mga mata nya at di nya magawang kumilos ng ma realize nya kung ano yon. Pati nga yata pag hinga ay pinigil nya sa takot na magising ang binata.

Ilang na ilang sya sa posisyon nila at nang hindi sya maka tiis ay dahan dahan nyang inalis ang pagkakadantay ng binti nya sa hita nito at inalis ang pagkaka yakap ng braso nya dito, saka dahan-dahan sana syang tatalikod ng gumalaw ito ng bahagya, sa takot nyang baka magising ito ay nanatili sya sa posisyon nya ng ilang saglit hanggang sa matiyak nyang hindi naman ito nagising, saka sya muling kumilos at pumwesto patalikod, kaso di pa sya na tatagalan sa ganong posisyon ay biglang hinapit sya ng yakap ng binata pero imbes na sa beywang ay sa dibdib sya nito na hapit .

Nanlaki ang mga mata nya pagka tingin sa kamay ng binatang sapo-sapo ang dibdib nyang saktong -sakto sa kamay nito, damang-dama nya ang init ng palad nito sa balat nya, kung papaanong ramdam nya ang matigas na bagay na naka tukod sa pagitan ng likuran ng mga hita nya at panay ang dapyo ng mainit nitong hininga sa batok nya, na nag papatayo ng mga pinong balahibo sa katawan nya at nag hatid ng kakaibang kilabot sa buo nyang katawan, dahilan para bigla syang mapakislig.

Na alimpungatan yata ang binata sa biglang pag kislig nya kaya bigla itong nag inat, pero sa pag iinat nito ay kulang na lang bumaon sa kanya ang matigas na bagay na dumiin sa likuran ng mga hita nya, kasabay ng palamas na galaw ng kamay nitong naka sapo sa dibdib nya, na pa kagat labi sya sa pag pipigil na huwag tumili, pero ng hindi sya maka tiis ay mabilis nyang tinampal ang kamay nito at akmang pipihit na sya ng...

"Wag kang malikot hmmm." Pabulong na sabi nito saka sumobsob sa batok nya, ngayon nya lang na lamang matindi pala ang kiliti nya doon kaya na pa tili sya at mabilis na pumihit paharap para sana itutulak  ang binata pero sa kagustohan yata nitong patahimikin sya ay walang sabi-sabing siniil sya nito ng halik sabay dagan sa kanya.

Nanlalaki ang mga mata at nag papanic na tinangka nyang itulak ang binata pero di nya magawa, naka dagan kasi sa kanya ang buong bigat nito at di sya maka pag isip ng matino dahil nag lulumikot na sa loob ng bibig nya ang pilyong dila nito at unti-unti na syang bumibigay. Hanggang sa tuluyan nya na itong hayaan at unti-unting pumikit ang mga mata nya at dahan-dahan syang gumanti ng halik sa ekspertong mga labi nito na sa twina ay hindi nya magawang huwag tugunin.

Dahil sa ginawa nyang pagtugon ay lalong nag lumikot sa bibig nya ang mga dila ng binata at naging mas mapusok ang paraan ng paghalik nito, halik na sinuklian nya ng parehong kapusukan, parehong init. Wala na syang paki alam sa paligid, lahat ng atensyon nya ay nasa binata, nasa pinag sasaluhan nilang mainit na halik at sa masarap na pakiramdam na dulot noon sa kanya.

Tangay na tangay na sya at na wala na sa isip nya ang mga konsekwensya ng ginagawa nila ng binata, pikit mata syang tuluyang nagpatangay sa tuksong hatid ng mga labi ng binata at ng mga kamay nitong malayang nag lalakbay at manaka nakang pumipisil sa katawan nyang wala pang ibang lalaking nangahas na haplusin man lang. Kasabay ng pag baba ng mga labi ng binata sa leeg nya ay ang dahan-dahan at erotikong galaw ng katawan nito sa ibabaw nya, habang bahagyang umaangat, dumidiin at pabundol-bundol sa pagitan ng mga hita nya ang matigas na bagay sa loob ng shorts nito. At na tutukso syang ibuka ang mga hita nya at damhin iyon sa sentro ng katawan nya na pakiramdam nya biglang na basa at tila nag hihintay sa kung anong hindi nya maipaliwanag.

I Love You Miss MaarteМесто, где живут истории. Откройте их для себя