Chapter 24

3.6K 97 32
                                    

Kinabukasan, walang sigla ng magising si Adrie at sa halip na bumangon at maghanda ng makakain ay inabala nya ang sarili sa ka ba brows ng kung ano-ano sa internet, hanggang sa maisipan nyang buksan ang social media account nyang hindi nya na buksan mula ng umuwi sya sa Isla Zaragoza. Ang daming news feeds and notifications from her friends na dated nong nasa Isla sya at lalo na yong ngayong nasa Manila na sya. Ang dami ring messages na galing sa mga kaibigan nya, she took time to reply at matapos ay napa kunot noo sya sa nakitang message request, galing sa isang babaing hindi nya naman kilala, out of curiosity ay binuksan nya ang mensahe.

SexyLiezel : Kung sino ka mang babae kang makati at mang aagaw, layuan mo ang boyfriend ko! dahil kung hindi ipapahiya kita sa harap ng lahat! Wag na wag mo kong gagalitin dahil pag nagalit ako, tatapunan ko ng asido yang mukha mo at sisiguraduhin ko sayong masisira ang gandang ipinag mamalaki mo at mang hihiram ka ng mukha sa aso at kahit gano pa kayo kayaman sisiguraduhin kong kahit si Belo di maayos sa retoke ang mukha mo! B*tch!"

Ka attach ng mensahe ay ilang larawan ni Enzo at ng babae, some looked like old photographs, but some of them looked new at maliwanag na kuha lang kahapo ang iba, bukod kasi sa date na naka lagay, ay nakilala nya ang jacket na soot ng binata, ito ang soot nito kahapon ng makita nya. All smile sa larawan ang babae na kung ihahambing sa kanya ang mukha eh walang panama, pero kung sa boobs titignan walang-wala sya. She's sexy at sanay sya mag soot ng seksing damit, pero pagka kita sa katawan ng babae na hakab na hakab sa soot na damit ay bigla syang na insecure, at sa nakitang pagkaka lingkis ng bisig ni Enzo sa baywang ng babae sa ilang larawan ay parang sabay na piniga at tinusok-tusok ang dibdib nya.

Tutop ang bibig na napa iyak sya, hindi lang dahil sa sakit na nararamdaman nya sa dibdib kundi dahil na rin sa takot sa banta ng babae. Iyak sya ng iyak at hindi nya na kuhang ireply ang babae. It took her awhile bago nya na gawang kalamayin ang sarili, saka malungkot na nilisan ang higaan at tumuloy sa banyo at nag hilamos, saka parang sirang kina usap ang sarili.

"I'm not going to cry, not again, not over that good for nothing, two timing son of b*tch! He doesn't deserve you Adrie, you're beautiful! You're smart! You're young not like that b*tch na puro b00bs wala namang ganda! You deserve so much better! So wake up, wake up! It's not the end of the world." Aniyang pigil ang pag hikbi, habang naka titig sa sariling repleksyon sa salamin, she tried her best, pero nang hindi nya makaya ay napa haguhol nanaman sya sabay sabi ng...

"All right! It's the last time, it's the last time na talaga!" Saka itinodo ang pag-iyak at na upo sa sahig ng banyo.

Makalipas ang ilang minuto rin ay pinahid nya ang luha at sipon nya saka hinubad ang soot na pantulog at tumapat sa shower at naligo, she spent a long time under it kaya ni hindi nya na rinig na may paulit-ulit na nag do doorbell sa labas. Pagkatapos nyang maligo ay hinaloghog nya ang closet nya, she wants to wear something that will make her look bad ass.

What she found was a black band shirt with The Rolling Stones red-red lips & tongue logo, she bought the shirt nong napunta sya sa England after ng wedding ng ate nya, favorite ng papa Jun nya ang banda, so to remember him by, bumili sya ng t-shirt na may logo ng bandang yon. Agad nyang isinoot ang T-shirt saka tinernohan ng maiksing distressed black denim shorts, saka itim na doctor martens boots sa mga paa, and to complete the bad ass looks, nag lagay din sya ng black eye liners at ultra red lipstick, saka inayos ng one sided ang buhok na may braids ng maliliit sa may kanang tainga, with matching dangling earrings na may palawit na black feather, leather at silver, mukhang hikaw ng pirata.

She looked totally different from  the very feminine Adrie na kilala ng lahat, but damn she still look good,kahit na mumula at medyo maga nyang mga mata nya na hindi kinatayang itago ng make up. She took a deep breath and pulled open the a drawer, saka kumuha ng dark aviator shades at isinoot at pagkatapos ay kinuha ang leather jacket nya sa cabinet at isinoot rin, she doesn't care kung tanghaling tapat at mainit, it will be air-conditioned later sa pupuntahan nya, she picked up a black purse and placed a couple of bills and cards, saka dinampot ang naka patay na cellphone at isinilid sdin doon, bago tuluyang lumaba ng silid at nag tuloy-tuloy sa labas ng bahay.

I Love You Miss MaarteWhere stories live. Discover now