Chapter 9

4.6K 110 7
                                    

Hindi pa ganap na nakaka layo si Enzo na kinakalma pa ang sarili sa mabagal na pag lalakad bitbit ang mga gamit ng dalaga ng tila nag mamadaling dumaan ang mag anak ng kuya Sancho nya sa tabi nya, bitbit ng mga ito ang lechon.

"Hindi pa tayo tapos Alonzo kung yan ang inaakala mo!" Anang kuya nya, habang si Sanjo naman ay masama ang tingin na ipinukol sa kanya.

"Narinig mo ang sinabi ko kanina kuya, makarinig lang ako ng alingasngas at makikita nyo kung anong mangyayari!" May pag babanta rin sa tinig na sagot nya. He know very well na si Belinda ang kahinaan ng mag anak, lalo na ng kuya nya na likas ang hilig sa bata, dangan nga lang at nagka deperensya sa matres ang hipag nyang si Joanna kaya hindi na nasundan si Sanjo at ang kakambal nitong si Belinda na minalas na nagka sakit at namatay noong bata pa sila, kaya naman lumaking spoiled sa magulang ang batang si Sanjo, bagay na taglay nito hanggang sa pag laki.

Na Alala nya pa noon, nakiusap sa kanya ang kuya Sancho nyang, hiwalayan si Isabel para kay Sanjo na ang sabi ay mahal na mahal ang kasintahan nya,bagay na hindi nya ginawa. Mahal nya kasi si Isabel, dangan nga Lang at hindi pa sya handang matali, may pangarap sya sa buhay at ayaw nyang manatili sa isla at habang buhay na mamuhay sa pag sasaka, kaya nga kumuha sya ng kursong Nautical Engineering para ma ikot nya ang mundo sa pamamagitan ng paglalayag.

Ang gusto ni Isabel ay tumigil na sya sa paglalayag, gayong nakaka isang taon pa lang sya, sabi nito panahon na para lumagay sila sa tahimik, mag simula ng pamilya at mamuhay na simple, yong buhay na karaniwan sa isla. Pero iginiit nya ang gusto, kasama ang pangakong kahit saan sya makarating, babalik at babalikan nya si Isabel, bigyan lang sya nito ng isa hanggang dalawang taon, pero hindi naka pag hintay si Isabel, ng umuwi sya matapos ang anim na buwan sa barko ay buntis na ito at si Sanjo ang ama. 

Galit na galit sya kay Sanjo at kay Isabel, pero dahil sa pakiusap ng kuya nya ay hinayaan nya ang dalawa, pero dahil bukod walang bayag si Sanjo at sunod-sunuran sa ina ay bata pa ito, hindi muna nito pinakasalan si Isabel, iniwan lang nito sa poder ng magulang, habang nag patuloy si Sanjo sa pag aaral ayon sa kagustohan ng inang si Joanna. The Child, Belinda was born, she seem normal, pero nag iba ang kundisyon ng bata habang lumalaki, kaya kinailangang manatili ng mag-ina sa Lucena kung saan malapit sa Ospital para agad madala ang bata sakaling magka problema.

Habang si Sanjo naman ay nanatili sa Isla at nagtrabaho sa munisipyo. Masyado kasing mamas boy kaya kahit pwede namang sa kabayanan mag trabaho ay mas piniling manatili sa poder ng magulang, kesihodang malayo sa anak at sa kinakasama, na sa disperasyong magkaron ng karamay ay sumama sa iba. Masyado lang mahal ng kuya nya ang apo kaya patuloy ito sa pag bibigay ng tulong para sa bata, at kahit hanggang ngayon ay galit sya kay Isabel, hindi nya naman matiis ang bata kaya regular din syang tumutulong.

Malawak ang lupain nila, pero malaki rin naman ang buwis, bukod sa ilan rin silang mag kakapatid na maghahati sa kita at sa kanilang magkakapatid sya lang ang walang anak kaya sya lang ang may kakayahang tumulong ng hindi dadaing sa gastos, bukod sa malaki ang kita nya sa barko. Marami anak ang kuya Alfon nya, ang ate Vera nya naman ay may apat at papasok na sa college ang panganay. Ang kuya Sancho nya naman ay si Sanjo na lang ang legal, pero bali-balitang may dalawang anak daw sa labas, bukod sa pala sabong ang kapatid, isang dahilan marahil kaya hindi ito nanalo ng tumakbong mayor noong nakaraang halalan. At dahil magastos ang eleksyon ay gastos lang ang inabot nito.

Marahil out of desperation na mapaoperahan ang apong si Belinda ay naisipan ng kuya nyang i blackmail ang matandang Zaragoza na bukod sa mga bangkang pangisda ay may mga bangkang pamasahero at malaki ang kita sa napaka lawak na niyugan, sakahan at gawaan ng lambanog, bukod pa sa monopolyo ng kalakal sa buong Zaragoza. Kung papano na tuklasan ng kuya nya at ni Sanjo ang sekreto ng matanda ay hindi nya alam. Napa buntong hininga nalang sya habang tinatanaw ang papalayong mag anak, patungo sa dereksyon ng bahay ng mga ito na di naman kalayuan sa bahay ng mga Zaragoza.

I Love You Miss MaarteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon