Chapter 19

4.2K 118 26
                                    

Kinabukasan, tanghali na ng magising si Adrie na bukod sa gutom ay na nanakit ang katawan. Wala na rin si Enzo sa higaan pag gising nya at kung hindi lang sya na iihi, di sya lalabas ng banyo sa takot na baka may masalubong sya. Pag naiisip nya kasi kung gano sya kaingay kagabi, feeling nya matutunaw sya sa hija kapag may nakita sya isa man sa mga tao sa bahay.

Patyad syang nag lakad pa punta sa banyo at talo nya pa ang daga na sandaling nakikiramdam saka biglang bibilis ang kilos. Naiiling sya sa sarili sa ginagawa nya, pero yon nga lang wala syang choice kung ayaw nyang may maka kita sa kanya. Sakto naman pag punta nya sa banyo, walang tao kaya agad nyang sinara ang pinto. Matapos nyang manubig ay ipinasya nya na ring maligo, dala naman nya ang toiletries nya kaya keri na kahit na wala syang pamalit na damit, sa kwarto na lang sya mag bibihis.

After twenty five years natapos rin syang maligo, soot ang damit na hinubad nya kanina, balot ng towalya ang buhok at hawak ang vanity bag na sumilip na akmang si silip muna sya bago lumabas ng mabungaran nyang akmang kakatok sa pinto ng banyo si Victoria. Nanlaki agad ang mga mata nya sa gulat saka awtomatikong pinamulahan ng mukhang agad agad din syang nag iwas ng tingin saka awkward na binati ang dalaga saka may pag mamadaling lalagpasan na sana ito ng..

"Te, labas ka ha pagkabihis mo, di pa ako nag aalmusal sabay na tayo." Kaswal ang tinig na sabi ng dalaga.

"H-ha? A- ano, ahmmm.."

"Don't worry tayong dalawa lang naman dito." Agaw ni Victoria sa sasabihin.

"E-rrr...g-ganon ba?" Alanganing sabi nya na lang.

"Oo te, saka binilin ka ni tito sakin, pakainin daw kitang mabuti." Ani Vicky

"S-Si Enzo?" Medyo disappointed na tanong nya, pano naman kasi, di nya na nga na gisnan di pa nag iwan man lang kahit maiksing note.

"May pinuntahan sila, pero babalik din yon mamaya." Sagot ni Vicky na di naman sinabi kung saan pumunta ang tiyohin, gusto nya pa sana mag usisa pero pinigil nya ang sarili, at sa halip ay nag paalam na syang mag bibihis lang sandali.

A couple of minutes later ay sabay silang na nag almusal o baka nga mas tamang sabihing brunch, halos lunch time na rin naman kasi. Normal lang naman si Victoria at hindi sya tinukso ng tungkol sa kagabi, tanong lang ito ng tanong ng mga bagay-bagay na meron sa Manila. Di pa raw kasi ito na kakarating ng Maynila, kaya sabi nya kung gusto nito, pwede itong sumama sa kanya, bagay na ikinatuwa ng dalaga.

Matapos kumain ay tulong silang nag ligpit ng pinagkainan, at ganon sila na datnan ng dalwang binatilyong kapatid nito, akmang tutuksuhin yata sya ng dalawa ng pandilatan ang mga ito ni Victoria, di na umimik ang dalawa pero na hiya na sya, kaya nag paalam syang papasok sa kwarto at doon na sya nag mukmok sa buong maghapon. Di na rin sya lumabas para sa tanghalian at hanggang sa gumabi, mukhang wala pa rin kasi si Enzo dahil ni hindi pa ito sumilip sa kwarto sa buong maghapon.

Nang oras na ng gabihan ay ang ate Vera na nito ang kumatok sa kanya para kumain, pero magalang nyang tinanggihan, sinabi nya na lang na sasabay na lang sya sa binata pag-uwi nito, pero nakatulog na sya sa kahihintay ay wala paring Enzo na dumating. Kaya ng magising sya ng bandang hating gabi at wala parin ang binata ay impit syang na pa iyak, kung ano-ano na kasing pumasok sa utak nya at di nya mapigilan ang sarili, hanggang sa makatulog sya sa kaiiyak.

Nagising sya ulit bandang paumaga na ng maramdaman nyang may tumabi sa kanya sa higaan at agad na yumakap, sandali syang nakiramdam at nang matiyak na si Enzo ang tumabi sa kanya ay akmang itutulak nya sana ito dahil naiinis sya dito, pero napatigil sya ng marinig nya ang mahihinang hilik nito. Sa halos isan linggo nilang magkatabi sa higaan, ngayon nya lang narinig na humilik ang binata.

I Love You Miss MaarteWhere stories live. Discover now