1: Ang Nawawala

2.9K 35 5
                                    


Mula pagkabata isa lang naman ang hinihiling ko iyon ay ang makaranas ng isang buong pamilya, isang nanay na mag aaruga sa akin, isang tatay na magtatanggol at pamilyang mamahalin ako ng buong buo yung hindi ka huhusgahan at mamaliitin, yung pamilyang hinding hindi ka iiwan.

"Mom!!"

"Ano yun anak?"

"Gusto ko po ng bagong toy!!"

"Pero kakabili lang natin tsaka ubos na ang pera ni mommy sa next month nalang tayo bumili"

"Ayaw I want it now!" Tumakbo paakyat sa kwarto ang anak ko.

"Yan kasi nag aanak anak ka kaagad ni hindi ka pa nga nakakatapos ng college o tignan mo tuloy ang nangyari nag trabaho ka kaagad aba eh secretary pa kay baba pa ng sweldo hay nako."

Sa araw araw na ginawa ng diyos palagi nalang ako sinesermonan ng tita ko kapatid ng mama ko, oo isa akong single mom noong 18 palang ako nabuntis na ako nasa 2nd year college ako noon and I'm taking a law course nagka ayaan ang barkada sa The Palace hanggang sa ayun nasuko ang bataan ang malala pa hindi ko kilala yung lalaki pag gising ko wala na siya. 4 years old na ang mga anak ko meaning kambal sila isang lalaki at isang babae yung kaninang nagmamaktol ay ang anak kong babae si Maria Rachel at ang anak kong lalaki ay si Frank Rafael sa pangalan palang ng mga anak ko alam na kung sino ang idol ko syempre walang iba kundi ang CharDawn.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Gomz!!!"

"Bakit Dawn?"

"Kanina pa tumutunog ang cellphone mo naiwan mo oh"

"oh kanina ko pa hinahanap sa labas yan eh nandito lang pala. Salamat"

"Nako tumatanda na talaga"

"Pogi parin naman hindi ba?"

Natigil kami sa pag uusap ng tumunog muli ang cellphone nya sinenyasan nya akong sasagutin nya daw ang tawag at tumango lang naman ako. Sinagot na ni Gomz ang tawag habang ako ay busy sa twitter grabe talaga ang mga fans naming walang paawat palagi nagpapa trend pero sabi nila malulungkot daw sila kasi matatapos na ang teleserye naming ni Gomz maski naman ako malungkot kasi hindi na kami palaging magkikita ng mga kasama kong cast tulad ng mga gumanap na anak namin ni Gomz aba napaka sweet kaya nila o sige na nga isasama ko narin si Gomz sa mamimiss ko lalo na at tumatakbo syang Mayor at kapag nanalo sya ay siguradong mas matatagalan ang pagkikita naming.

"Dawn gusto mong kumain muna?"

"Sige ba basta libre mo ah"

"Hay nako, oo na. Tara na."

Habang nasa sasakyan kami ay nag uusap naman kami.

"Kamusta na nga pala si Julianna?"

"Ayun napakabilis ng panahon, dalaga na."

"Oo nga nagulat din ako noong nakita ko yung post nya sa IG ang laki na nya at kamukha mo ah"

"Ganun talaga sa ganda ba naman ng genes ko"

"Ts sang kapal talaga eh noh"

"Bakit ikaw naman kamukha mo si Ayisha ah oh may sumusunod sa yapak mo sa pagiging diyosa"

"Nako Richard kung akala mo madadaan mo ako dyan sa pakulo mo sinasabi ko sayo wala ng epek"

Natahimik naman kami at maya maya ay biglang nagsalita si Richard at seryoso ang awra nya.

"Kamusta na kaya sya?"

Nagulat ako sa sinabi ni Richard at maging ako ay naging seryoso.

"Siguro naman nasa maayos syang lagay"

"Dawn bakit nga ba natin nagawa yun?"

"Richard bata pa tayo noon"

"Pero bata din naman sya noon at mas wala syang muwang dito sa mundo kesa sa ating magulang nya"

"Richard wala na tayong magagawa, eto na nagawa na natin ilang taon narin ang lumipas"

"Hahanapin ko sya ulit Dawn"

"Richard alam mo ang maaaring mangyari kung hahanapin mo sya paano nalang ang pamilya mo at pamilya ko ang pagtakbo mo bilang Mayor at ang repustasyon natin bilang artista"

"Mahalaga pa ba yun Dawn? Mas mahalaga pa ba ang sasabihin ng ibang tao kesa sa sarili nating anak? Sa ayaw at sa gusto mo hahanapin ko sya at ibabalik ko sya sa atin"





~Unedited~

Broken Home *COMPLETED*Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum