39: Farewell

629 15 1
                                    


"Mommy, sabi po ni daddy magpahinga ka na daw po muna." 

"Mamaya nalang kamo, Ayisha."

Here I am sitting in front of the chapel, facing my daughters coffin. 2 days had passed since the most heart breaking news has been shared to us. The moment the doctor came out of the operating room and told us that my sweet Avery died, she died because she love us, she died because she love her sister Juliana and I'm so proud of her.

"Dawn..." The moment I saw Richard I started crying like a baby, the news shattered my life - our life, and I can't stop these tears every time realization hits me that my first born is gone and this time it was for real.

Richard held me in his arms and Juliana was crying on her mothers arm, Anton went home because Jacobo is sick and Ayisha was with her grandma sitting beside Lucy and Juliana.

"Richard... Please wake me up, this is just a nightmare and I want to wake up. My baby is gone, Avery left me."

"Dawn alam kong mahirap tanggapin pero wala na sya. But I'm sure masaya na sya kung nasaan man sya, hindi na sya maghihirap and she will be our angel from above."

"Paano ang mga apo natin, masyado pa silang bata."

"Papunta na sila ngayon dahil kahapon ay kinausap na sila ni Noah. Ayon sa kanya iyak ng iyak si Rachel at hindi makatulog samantalang si Rafael ay nagkulong lang sa kwarto ang kinakatakot ni Noah ay ang reaksyon ni Rafael dahil hindi daw nito pinapakita na nasasaktan sya."

"Sobrang sakit ng malamang wala na si Avery, hindi ko alam kung paano ko pakikiharapan ang mga apo natin dahil maski ako ay nasasaktan."

"Dawn makakayanan mo rin, kakayanin mo para sa mga anak mo at sa mga apo natin."

Tango nalang ang isinagot ko kay Richard matapos noon ay lumapit sa akin si Juliana, hilam parin sa luha ang kanyang mga mata.

"T-tita I'm so sorry. Sorry po tita Dawn it's all fault." Hindi nanaman nya napigilan ang mga luhang kumakawala sa kanyang mga mata, hinagkan ko si Juliana masyado pa syang bata para damdamin ang mga bagay bagay.

"Juliana wala kang kasalanan. Mahal na mahal ka ng ate Avery mo kaya gagawin nya lahat para sayo."

"Kung hindi nya po sana kinuha ang bala na para sa akin ay sana ako po ang nawala. Pero kung hindi po ako sumama kay Lolo ay sana hindi nangyari ang lahat ng ito."

"Juliana kung hindi dahil sayo hindi mahahanap ang mommy mo, you save her life. Isa pa ginusto ni Avery ang lahat ng nangyari because you are her little sister, and alam nya kung gaano ka kamahal ng mommy mo at ng daddy mo."

"Tita mahal na mahal ka po ni ate Avery and how I wish na sana mabawi ko lahat ng mga masasamang salitang sinabi ko sa kanya at sa iyo. I'm so sorry tita alam ko pong huli na ang lahat pero nagsisisi po ako."

"Kalimutan na natin iyon Juliana ang mahalaga ligtas na kayo ng mommy mo at nasa kulungan na ang lolo mo."

Alam kong matutuwa si Avery kung nandito sya dahil bumalik na sa dati ang kapatid nya.

"M-mommy!!" Agad tumakbo si Rachel sa coffin ni Avery at dahil hindi nya ito abot ay lumuhod nalang sya sa harapan nito at umiyak ng umiyak. "Mommy bakit mo kami iniwan ni Rafael. Di mo na ba kami love, mommy wake up ka na di na po ako magpapasaway. Mommy love na love ka namin pati daddy mommy umiiyak kasi love ka nya."

Hindi ko mapigilan na hindi umiyak dahil sa nasasaksihan ko nilapitan naman ni Noah si Avery at kinarga ito pero iyak parin ito ng iyak, kasama naman ni Mr and Mrs Adler si Rafael na walang emosyon ang mukha lumapit sila sa amin at humalik lang sa akin si Rafael matapos noon ay umupo na sa tabi ko ganoon din ang mga grandparents nya.

"I'm sorry Dawn, I failed protecting Avery."

"Peter, I know that you did everything to protect my daughter. You don't need to blame yourself. The fact that you shot Mr. Torres five times that resulted for him being invalid is enough to show that you gave your best protecting Avery. The moment you saw her got shot you run towards her and shot Mr. Torres. Thank you for saving Juliana and Lucy I know that Avery is happy now because she saved those people she love."

"Thank you, Dawn and I'm sorry for all the trouble that I caused, to you and your family."

"Let's forget about it and focus our attention on our grandchildren."

"Mama Dawn, gisingin mo na po si mommy kasi kapag ikaw ang gigising sa kanya matatakot po yun kaya gigising sya kasi ikaw ang mommy nya eh."

"Rachel, mahal na mahal ka ng mommy mo pero hanggang dito nalang sya but she will watch you grow up in heaven."

"Bakit sa heaven pa po bakit hindi nalang dito sa tabi namin ni kuya."

"Because she's not a fighter, she doesn't love us that much so she gave up so stop crying over her Rachel."

Nagulat kami sa tinuran ni Rafael matapos nyang sabihin iyon ay naglakad sya palayo, sinundan naman sya ni Richard at ni Noah at naiwan sa amin si Rachel.

"Mama Dawn bakit angry si kuya kay mommy, totoo po ba yun na di naman nya kami love kaya iniwan nya kami?"

"No, nasasaktan lang ang kuya mo Rachel. Soon maiintindihan nya rin ang lahat alam mo naman ang kuya mo he's a tough guy ayaw nyang pinapakita ang emotions nya. Pero tatandaan mo na love na love kayo ng mommy nyo.


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -  - - - 

"Rafael! Ano bang nangyayari sayo?" 

Nahabol agad namin si Rafael at dinala namin sya sa garden sa likod ng chapel at doon bumuhos ang mga luha nya.

"Hindi nya kami love ni Rachel daddy! Iniwan nya kami, iniwan ka rin nya! Ang unfair nya."

"Rafael listen to me, kung bibigyan ng chance ang mommy mo hinding hindi nya tayo iiwan, mahal na mahal kayo ni Rachel ng mommy mo ang daming nyang sacrifices para sa inyong magkapatid. Kung pwede lang ay ako ang pumalit doon kasi alam kong masasaktan kayo ng sobra kung ang mommy nyo ang mawala."

"Pero wala naman kaming mommy ni Rachel."

"Nandito pa naman ako, nandyan ang grandpa Peter at grandma Wendy nyo, ang lolo Richard at lola Dawn mo pati sina lola Lucy at lolo Anton andyan din sila tita at tito Ayisha, Juliana at Jacobo. Sobrang dami pang nagmamahal sa inyo."

"Pero paano ka po."

"Alam kong alam ng mommy mo na mahal na mahal ko sya ata alm kong aantayin nya ako kaya aantayin ko rin na magkasama kami."

"Apo, Rafael hinahanap ka ng kapatid mo." Lumapit sa amin si Lucy at kinuha si Rafael sumama naman ito sa kanya. Naiwan kami ni Noah sa garden hanggang sa makita kong sinuntok nya ang isang poste doon na bato. Nagdugo ang kamay nya kaya pinigilan ko na sya.

"Sobrang sakit, hindi manlang kami nagka usap ng mga maayos. Siguro sumuko na sya sa akin kaya iniwan nya narin ako."

"Alam kong mahal ka ng anak ko Noah, kung minsan ay kwine kwento nya sa akin na napapanaginipan ka nya minsan ay umiiyak sya sa gabi dahil na mi miss daw nya kayo. Mahal ka ng anak ko Noah at hindi sumusuko ang pag ibig maaring napapagod pero hinding hindi susuko."


  

Broken Home *COMPLETED*Where stories live. Discover now