16: Face your fears

547 17 0
                                    

Who would have thought na makakausap at makikita ko na ang anak ko at ngayon ay sabay pa kaming uuwi sa Pilipinas pinasabay na sila sa amin ni Anton dahil mag iistay pa daw si Grayson sa London ng ilang araw dahil may aasikasuhin daw ito pero kahit nakilala ko na ang anak namin ay hindi ko parin sya makausap ng maayos dahil parang ang layo layo ng pakikitungo nito sa akin kahit pa na hindi nya alam na ako ang totoo nyang nanay ay napakalamig na ng pakikitungo nya paano pa kung malaman nya ang totoo baka kamuhian na nya ako.

"Hon you're spacing out kanina ka pa kinakausap ni Ayisha"

"I'm sorry may naalala lang"

"Mommy ang ganda po ni Ate Avery noh? tsaka ang cute po ng babies nya can we adopt the mom?"

"Oh my gosh Ayisha we can't adopt them oh darling nabo boring ka na bang kalaro si mommy kaya gusto mo ng  bagong playmate?"

"Hindi po it's just that super tagal po ng ate ko sabi nyo hinahanap nyo na sya"

"Ayisha do you want to eat?"

"I'm full dad"

"Baby matulog ka muna malayo pa naman tayo eh tignan mo ang kuya mo tulog"

"Ok mommy"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Richard ano ng plano mo?"

"Magpapahinga muna sila ngayon lalo na at kakadating nyo lang pero bukas ay pupuntahan ko na siya"

"Richard pwe-pwede bang sumama?"

"Are you sure Dawn?"

"Yes definitely sure"

Nang sumunod na araw ay pinuntahan namin sya sa bahay ng tita nya dahil dito ito tumuloy ng dumating kami sa Pilipinas nagulat pa nga sya ng pagbuksan nya kami ng pinto at akala nya ang tita nya ang hinahanap namin at ang sabi nya ay wala ito pero kinausap namin sya na sya ang sadya namin sa pagpunta.

"Ano po bang kailangan nyo sakin?"

"Avery hindi ka parin ba naniniwala sa mga sinabi ko sayo noon?"

"Mr. Gomez napaka imposible ng sinasabi nyo"

"Heto ang mga katibayan Avery, maniwala kang kami ang magulang mo"

Tinignan nito ang mga papeles ngunit parang hindi parin ito kumbinsido.

"Ano naman po kung kayo ang mga tunay kong magulang?"

"Anak a-ayaw mo bang malaman na kami ang tunay mong mga magulang?"

"Para ano pa po? Eh hindi po ba binigay nyo na ako sa ibang pamilya? So what's the use of finding me?"

"Avery patawarin mo kami ni Richard, anak ang tagal kang hinanap ng daddy mo"

"So pasalamat pa ako na hinanap nyo ako? At kasalanan ko pa kung matagal kayong naghanap?"

"Anak ang sinasabi lang naman ng mommy mo sayo ay hinanap ka namin"

"Pero kayo ang gumawa ng sitwasyong ito kayo ang nagpa ampon sa akin diba ayaw nyo naman sa akin so bakit nyo pa ginugulo ang buhay ko?Bakit pa kayo bumalik? Bakit nyo pa ako hinanap? Hindi pa ba sapat na sinaktan nyo na ako noong bata pa ako tapos ngayon ipaparamdam nyo nanaman sa akin ang lahat? Ano pa bang gusto nyo? Ano pa ba?"

"Anak patawarin mo kami patawarin mo kami kung naging duwag kami kung hindi ka namin ipinaglaban patawarin mo kami."

"Sorry is still not enough Ms. Dawn"

"Avery bumalik ka na sa amin please?"

"Wala na po akong babalikan Sir Richard tsaka may sarili na akong pamilya"

"Avery anak mahal na mahal ka namin"

"No Miss Dawn hindi nyo ako mahal dahil mas mahal nyo ang mga sarili nyo kaysa sa akin dahil mas inuna nyong isalba ang sarili nyo kaysa sa sarili nyong anak"






~Unedited~

I know it's lame sorry for that bawi nalang next time


Broken Home *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon