9: Mom and Dad

707 18 5
                                    


"Anak, Rafael hindi mo dapat yun sinabi sa kanya"

"Pero mommy hindi naman na po natin sya kailangan tsaka di naman po talaga sya naging daddy sa amin ni Rachel kasi wala naman po sya noon diba po tayong tatlo lang nila Rachel masaya na po tayo kaya mommy umuwi na po tayo."

Pumayag kasi akong dito muna kami pansamantalang titira ng mga bata kasama sya 1 month lang naman at ang ipinaalam ko naman sa tita ko ay sasamahan ko ang boss ko dahil secretary ako at pupunta kami sa cebu alam kong masamang magsinungaling pero kailangan ko tong gawin para maayos ang gusot na ito.

"Anak isang buwan lang naman tayo dito kaya please be a good boy"

"I can be a good boy mom but I can't be good towards him"

"Anak you should call him daddy"

"I don't want to call him that"

"Then you should perhaps call him sir? To show some respect."

"Ok I'll call him sir, mom but please don't push me to like him"

"Ok son"

Paglabas ko naman sa kwartong inookupa nila Rafael ay hinanap ko ang mag ama at natagpuan ko sila sa kusina nag ba bake ng cookies.

"Daddy are we gonna stay with you na forever?"

"Why? do you want to stay here with me?"

"Opo kasi ang sad po kapag di complete ang family eh"

"Anak hindi ko hawak ang desisyon ni mommy mo"

"Peron daddy mahal mo naman si mommy diba tsaka mahal ka din naman po ni mommy kasi sabi ni teacher namin nabubuo daw ang baby kasi love ng mommy at daddy ang isat isa"

Hindi ko na natiis pa ang pinag uusapan nila kaya pumasok na ako sa eksena.

"Wow nag be bake ang baby ko?"

"Mommy! Hinelp po ako ni daddy mag bake"

"Talaga? hmmm masarap ba yang gawa mo anak?"

"Opo naman po pero mommy nasan na po si kuya?"

"Nasa kwarto si kuya nagbabasa sya ng books"

"Tss book nerd"

"Ikaw ba Rachel ayaw mo ba magbasa ng books?"

"Daddy hindi naman fun mag basa eh mas masaya kapag may mga toys like barbie"

"Magkaibang magkaiba talaga kayo ng kuya mo"

"Oh daddy tapos na po ma bake yung cookies"

"wow tikman na natin yung binake mo baby"

Habang kinakain namin yung cookies na binake nilang mag ama ay inaantay ko namang lumabas si Rafael pero mukhang hindi parin ito lalabas sa kwarto mukhang nagtatampo parin.

"Daddy may napanood po ako ang sweet po nung mommy tsaka daddy nila kasi po habang kumakain sinusubuan po nung daddy yung mommy. Daddy pwede mo po bang gawin yun"

"Sige pero tanungin mo muna si mommy kung ok lang sa kanya."

"Mommy ok lang po diba"

"ummm.. O-ok"

"Ayiee dali na po game tapos daddy peram po ng phone mo ah vi videohan ko po kayo"

"Sige"

"Yey!!"

Ano ba naman tong kalokohan ng anak ko pati ako dinadamay. Kumuha na ng isang pirasong cookie si Noah at iniumang na nya ito sa akin si Rachel naman ay kilig na kilig kinagat ko naman ang ibinibigay na cookie ni Noah at sa wakas tapos na.

Broken Home *COMPLETED*Where stories live. Discover now