2: Hinahanap

1.2K 25 1
                                    


"Chaine!"

"Po?" agad agad akong pumasok sa opisina ng boss ko noong tinawag nya ako.

"Maghanda ka mamaya may dadating tayong importanteng kliyente"

"Sige po" Hmm sino naman kaya ang importanteng kliyenteng yun? Sana artista para naman makakita na ako ng artista

Makalipas ang ilang oras ay may dumating na nga pero naka shades tsaka naka baseball cap eh kaya di ko mamukhaan

"Ano pong kailangan nila?"

"Nandyan ba si tito sa loob?"

"Umm opo pero sino po sila?"

"I'm Grayson Noah Adler"

"N-noah?"

"Umm.. Yup?"

Natulala ako as in literal na natulala sa kanya jusko sabi ko artista pero di ko sinabing anak ng prime minister oh my gosh sya yung ultimate crush ko nawala lang ako sa pag iimagine ng pumitik sya sa harapan ko.

"Miss gising ka pa ba?"

"Umm sorry po, pasok na po kayo sa loob kanina pa po kayo inaantay ni sir"

"Okay" napangiti pa sya bago pumasok sa loob siguro pinagtatawanan ako nako naman kasi nagmukha akong tanga dun juskoo


"Hi tito"

"Oh Grayson nandyan ka na pala, bakit ka naman napauwi bigla?"

"Tito I need your help"

"About saan ba? Sa kaso ba yan?"

"No po"

"Eh ano?"

"It's about a girl that I've met"

"Alam mong mas malawak ang koneksyon ng daddy mo bakit hindi ka sa kanya magpatulong?"

"Tito alam mo naman ang plano ni dad kaya hindi nya dapat malaman ang business ko dito ngayon sa iyo"

"So you want me to hide this?"

"Please tito help me"


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hello Gomz nasan na kayo?"

"Malapit na kami"

Napagdesisyonan namin ni Gomz na sabihin muna sa mga asawa namin ang totoo at pupunta sila Gomz ngayon kasama si Lucy sa bahay namin ni Anton pero kami munang matatanda ang mag uusap bago namin ipaalam sa mga anak naming. SI Richard ang may plano nitong lahat kahit pigilan ko sya sa gusto nya ay hindi ko sya mapigilan sinabi ko narin sa kanya na bahala na kaming dalawa magsabi sa mga asawa namin ng sitwasyon pero ayaw nya dahil kaming dalawa daw ang gumawa ng sitwasyong ito kaya dapat sabay naming haharapin at sabay kaming mag e explain ng bawat side namin sa kanya kanya naming asawa.

"Hi Dawn" nakipag beso beso sa akin si Lucy at Gomz ng dumating sila maging kay anton ay nakipag beso beso si Lucy at kumaway naman si Richard. Matapos silang salubungin ay pumunta kami sa office ni Anton dahil doon namin napagdesisyonan mag usap usap.

"Ano bang pag uusapan at parang ang seryoso nyo naman?" tanong ni Anton sa amin

"Sorry"

"Dawn bakit ka nag so sorry?"

"Hon we kept a secret to the both of you" hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Anton ang lahat ng ito ng hindi sya magdadalawang isip sa akin at sa pagmamahal ko sa kanya.

"A secret?" tanong ni Lucy

"I'm sorry Lucy akala namin ang pag tatago ng katotohanan sa inyo ang pinaka mabuting gawin pero nagkamali kami ni Dawn"

"Richard sabihin mo na ano ba yun?"

Seryoso sina Lucy at Anton na nakatingin sa aming dalawa bago magsalita si Richard ay tumingin sya sa akin at tumango naman ako akala mo ay nasa isa kaming pagsusulit na kapag nagkamali lang ng isa ay babagsak na. Matapos kong bigyan ng senyas si Richard ay humarap na kaming muli sa mga asawa namin.

"May anak kami ni Dawn"

"Hon?" tanong sakin ni Anton

"Hon bata pa kami noon well hindi pa namin kayo kilala noon it was a love child"

"Bakit ngayon nyo lang sinabi sa amin Richard?" tanong ni Lucy kay Richard

" Because I want to find my daughter" mariin na sagot ni Richard kay Lucy it's like hindi na mababago pa ang desisyon nya







~Unedited~

Broken Home *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon