34: With you

436 20 4
                                    

"Dawn kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Maayos ayos na ko sya nga pala ano ng balita kay lucy?"

"Wala parin tatlong araw na ang lumipas pero walang tumatawag para manghingi ng ransom at wala paring ideya ang pulisya"

"Sana mahanap na sya"

Habang nag uusap kami ni Richard ay may pumasok na mga pulis.

"Mawalang galang na po, Mr. Gomez may warrant of arrest po kami para sa inyo"

"Teka anong sinasabi nyo bakit nyo ko huhulihin?"

"Isa po kayo sa pinagdududahang kumidnap kay Mrs. Gomez"

"Teka ano bang sinasabi nyo hindi nyo pwedeng hulihin si Richard wala syang kasalanan"

"Dawn dito ka lang tatawagan ko si Avery para samahan ka"

"Pero Richard wala kang kasalanan kaya bakit ka sasama sa kanila"

"Dito ka lang muna babalikan kita dawn"

Hinagkan nya ang ulo ko bago sya sumama sa mga pulis habang ako naman ay naiwang umiiyak hindi pwedeng makulong si Richard dahil wala syang kasalanan.

"Ma papunta na ako dito ng tumawag si Papa ano po bang nangyari?"

"Avery tulungan mo ko susunod tayo sa papa mo"

"Pero ma kailangan nyo pa magpagaling"

"Hindi ako mapapakali dito isa pa walang kasama ang papa mo"

Walang nagawa si avery kundi ang sumunod sa bilin ko mabilis naming tinahak ang daan papunta sa police station na kinaroroonan ni Richard pagdating namin ay ini interrogate na sya at nakikinig naman ako sa mga pinag uusapan nila

"Mr. Gomez may 3 edibensya laban sa inyo. Una ay ang madalas nyong pagtatalo ni Mrs. Gomez ayon ito sa pahayag ng inyong anak at ng ibang nakakakilala sa inyo. Pangalawa ay niloko mo si Mrs. Gomez dahil null and void ang inyong kasal dahil kasal kayo ni Mrs. Lagdameo at ang huli ay ang blood stains na nakuha sa isa sa inyong mga kotse at nag match ito sa blood sample na nakuha sa inyong bahay at sa dugo ni Mrs. Gomez. Malakas ang kaso laban sa inyo Mr. Gomez."

"Oo madalas kami mag away pero nag kakaayos parin kami at yung tungkol sa kasal namin alam nya iyon noon at nagkausap na kami at yung sa blood stain wala akong ideya bakit may dugo sa kotse ko. Mahal ko ang asawa ko. Mahal ko si lucy at may anak kami kaya bakit ko naman sya sasaktan."

Patuloy ang pag agos ng luha ko nakikita kong nahihirapan si Richard pero hindi ko alam kung ang mga luhang ito ay para sa mga problemang kinakaharap namin o ng dahil sa mga katagang binitawan nya na mahal nya si lucy.

Matapos syang ma interrogate ay inilagay muna sya sa isang kulungan kinakausap naman ni avery ang abogado at mga pulis. Samantalang pinuntahan ko si Richard nakasandal sya sa mga rehas at nakaupo sa lapag hindi ko kailanman inisip na hahantong kami sa ganitong sitwasyon.

"Richard...."

"Dawn? Anong ginagawa mo dito dapat nagpapahinga ka pa sa ospital"

"Richard makukulong ka daw ba?"

"Hindi ko pa alam Dawn"

Hindi ko napigilan ang umiyak sa harapan nya inilapit naman nya ang kamay nya para punasan ang mga luha ko kahit pa may rehas sa pagitan namin. Hinawakan ko naman ang kamay nya na nasa pisngi ko na pumapawi sa mga luha ko.

"Huwag ka ng umiyak Dawn"

"Richard nandito lang ako kapag may kailangan ka tutulungan kita hindi ako papayag na makulong ka."

"Salamat Dawn. Sya nga pala dala na ng abogado ko ang annulment papers natin pirmahan mo nalang"

Biglang nagbago ng pakiramdam ko biglang kumirot pa ang puso ko.

"G-gusto mong pirmahan ko na iyon?"

"Ikaw ang magde desisyon nyan dawn"

"S-sige"

Habang papalayo kay Richard ay mas lalo kong nahihirapang huminga wala akong maramdaman tuloy tuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko siguro kaya ganoon ay habang papalayo ako ay lumalayo rin ang puso ko dahil alam kong hanggang ngayon ay nasa kanya parin ito.






Unedited

Broken Home *COMPLETED*Where stories live. Discover now