20: Mother and daughter

519 18 0
                                    

"I'm going to get him back ~V"

"Mommy pwede po ba tayong mag sleepover kila Ayisha?"

"S-sige ba anak. Go and pack your things na tatawagan ko lang ang mama"

"Avery napatawag ka?"

"Ma pwede po bang dyan kami matulog ng mga bata?"

"Oo naman palagi namang nakahanda ang kwarto nyo rito kaya pwedeng pwede kayong matulog kahit kailan nyo gusto"

"Sige po"

Matapos mag empake ng mga gamit ay nagpahatid na kami sa isang driver na binigay sa amin ni Noah.

"Rachel!!" Ang matinis na sigaw ni Ayisha ang sumalubong sa amin agad nyang niyakap si Rachel maging si Rafael ay niyakap nya.

"Ate punta lang po kami sa pool nandoon po yung iba naming friends tsaka si kuya nandoon po kaya safe naman po sila tsaka marunong naman po sila mag swim diba"

"Ok baby girl pero papalitan mo muna sila ng damit."

"Ok po"

"Halika avery doon tayo sa kusina nag be bake ako ng cookies para sa meryenda ng mga bata"

Tinulungan ko namang mag bake si mama dawn minsan ay nagtatanong sya ng mga bagay tungkol sa akin at sinasagot ko naman iyon.

"May itatanong lang po sana ako"

"Ano yun anak?"

"Ano po yung ipinangalan nyo sakin noong naipanganak nyo na po ako?"

Binitiwan naman ni Mama dawn ang hawak nyang tray at hinawakan nya ang kamay ko at tumingin sya sa mga mata ko.

"Avery I'm so sorry dahil hindi ka namin nabigyan ng pangalan noon dahil pagka panganak ko sayo ay inilayo ka na agad sa amin we didn't have a chance na hagkan ka manlang o mapangalanan patawarin mo kami anak" patuloy ang pagluha ni mama dawn kitang kita ang pangungulila, konsensya at pagmamahal.

Kahit galit ako sa kanya ay sya parin ang magulang ko at kahit gaano ko pa patigasin ang puso ko ay natutunaw parin ito kaya ginawa ko ang isang bagay na unang beses kong ginawa sa kaniya at iyon ay ang yakapin sya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Richard can we talk?"

"Ano yun hon?"

"Hindi ko intensyon na pakinggan ang pag uusap nyo ni Dawn but I heard what she said"

"Lucy wag mo ng isipin yun kahit mas close kayo ni Avery ay alam ko namang dadating ang panahon na magiging malapit din sya kay Dawn"

"Pero kasalanan ko kung binigyan ko sila ng oras na sila ang magkasama baka mas malapit sila"

"Lucy wag mong sisihin ang sarili mo wala kang kasalanan ok?"

"Ok"

Dahil lahat ng ito ay kasalanan ko at hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako kung malaman mo ang isa ko pang sikreto.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Anak gabi na bakit gising ka pa?"

Nasa garden ako ngayon at nag iisip, iniisip ko ang mga natatanggap kong sulat at litrato.

"Anak ano yang hawak mo?"

Ibinigay ko ang mga litrato at sulat kay Mama dahil sa ngayon kailangan ko sya kailangan ko ng kalinga nya.

Isa isang tinignan ni Mama ang ibinigay ko sa kanya.

"Oh my gosh"

"Ma hindi ko na alam ang gagawin hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba iyan o kakausapin ko muna si Noah."

"Anak kailangan mo munang kausapin si Noah mag asawa kayo at sa mag asawa dapat pinag uusapan ang bawat bagay hindi pwedeng basta basta ka nalang mag desisiyon dahil maaapektuhan ang pamilya nyo."

"Next week na po ang balik nya Ma at sana mali ang lahat ng ito"

"Pakinggan mo lang ang asawa mo at kung kailangan mo ng tulong nandito lang kami ng papa mo"

"Thanks Ma and I'm sorry po sa lahat ng ginawa ko"

"Avery hindi mo alam kung gaano ako kasaya na napatawad mo na ako mahal na mahal ka namin anak"

"I love you too Ma"

Ngayon nakaramdam na ako ng kaluwagan sa puso ko sa wakas napatawad ko na ang mga magulang ko sa wakas nasabi ko narin kung gaano ko sila kamahal.




~Unedited~

Broken Home *COMPLETED*Where stories live. Discover now